OKLAHOMA CITY (AP) – Mabilis na pinag-iinit ni LeBron James ang MVP awards habang kinokolekta ni Kevin Durant ang scoring titles sa kaparehas na lugar.
Kapwa sila may karapatang maging best player sa NBA.
Kapwa rin sila interesadong may maipagkaloob sa kanilang koponan.
Isa sa kanila ang umaasa na maiuukit ang korona, ang kanilang head-to-head duel patungo sa story line ng NBA finals na magsisimula ngayon kung saan si Durant at ang Oklahoma City Thunder ang magiging punong-abala kay James at sa Miami Heat.
‘’I think it’s going to be a great matchup,’’ pahayag ni Miami’s Dwyane Wade kahapon. ‘’I think it’s going to be two players that’s going to be tough to guard each other, that’s going to have to guard each other.’’
Kapwa nila ipinarating na ang series ay mas magiging individual matchup at ang All-Star talent na nakapaligid sa kanila ang sumuporta sa kanilang sinasabi. Subalit ang focus ay na kay James, ang three-time MVP na nasa kanyang ikatlong pagkakataon sa championship, at Durant, ang threetime scoring champion na maglalaro sa kanyang unang pagkakataon sa edad na 23.
Ito ang unang pagkakataon na ang MVP at scoring champ ay magtatagpo sa finals matapos noong 1997, nang pataubin ni Michael Jordan ng Bulls si MVP Karl Malone at ang Utah.
`’Everybody is going to make the most out of the matchup of me versus LeBron, but it’s the Thunder versus the Heat,” ayon kay Durant. `’One guy versus another guy, it’s not going to be a 1-on-1 matchup to win the series, it’s going to be all about the team.”
Kapwa sila magkaibigan at workout partners, naglalaro na parehong may small forward position at kargado ng unlimited basketball talent. Matapos ang ilang taong paghihintay sa James-Kobe Bryant finals matchup na hindi naman nangyari, tila ito na ang hinihintay ng liga para sa magaganap na serye.
`’It’s great for the NBA,” giit ni Miami’s Shane Battier. `’I anticipate record ratings, which is great, so maybe we can get some of the escrow check back from the owners. First and foremost, that’s why I’m excited to see Kevin Durant versus LeBron James. But selfish reasons aside, it’s just a great matchup.“
`’There’s so many young, great players in this league and established players and All-Stars. If you’re a basketball fan, you’re missing out if you’re not watching this series.”
Kapwa nagbigay na ng mensahe ang dalawa sa Twitter, si James noong Abril 27 at si Durant noong Mayo 1.
Sa ngayon ay tututukan ni KingJames at KDTrey5 ang kanilang mga binitiwang statements sa korte.
`’Kevin is locked in on what he needs to do to help the team win,” ayon kay Thunder All-Star point guard Russell Westbrook. `’It’s going to be a great series for both teams and hopefully we can come out with the win.”
Nagbabalik si James sa ikatlong pagkakataon para sa kanyang unang kampeonato matapos na ang kanyang dating Cleveland Cavaliers ay madismaya sa San Antonio noong 2007, ilang linggo ang nakalipas ng si Durant ay kunin ng noon ay Seattle SuperSonics bilang No. 2 pick sa draft.

