Home » Probinsya » Kasong rape sa Aklan, dumadami

Kasong rape sa Aklan, dumadami

KALIBO, Aklan – Ikinababahala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang patuloy na pagdami ng kaso ng panghahalay sa lalawigan.

Ayon kay Senior Supt. Cornelio Defensor, direktor ng APPO, umabot sa 16 ang kaso ng rape na naitala sa unang tatlong buwan ng 2012, mas mataas sa limang kasong naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“Siyam sa 17 na munisipalidad sa Aklan ang naiulat na may kaso ng rape at naaresto naman lahat ang mga suspek, dahil kilala naman (ang mga) ito ng mga biktima,“ sabi ni Defensor. – Jun N. Aguirre

Incoming search terms:

comments


















Translate »