Home » Pananaw ni Manny V » ITURING NA HAMON ANG KALAMIDAD

ITURING NA HAMON ANG KALAMIDAD

 

ANG pagdating ng bagyong Ambo sa unang LINGGO ng Hunyo ang nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tagulan at ng pagpasok ng mga unos sa Pilipinas. BAWAT taon ay umaabot sa 20 ang mga bagyong tumatama sa Pilipinas dahil ang ating bansa ay nasa likas na daanan ng mga kalamidad. Sa kasalukuyan, mapalad pa rin tayo dahil hindi pa nauulit ang mapaminsalang pagputok ng bulkang Pinatubo sa Gitnang Luzon.

Hindi pa rin tayo nakararanas ng lindol na gaya ng nangyari noong Marso 2011 sa JAPAN na kumitil ng mahigit 13,000 KATAO, sumira ng mga tahanan ng 136,000 mamamayan at nagiwan ng pinsalang umabot sa $309 bilyon. Gayunman, lumabas sa isang pag-aaral na ang Pilipinas ang nangunguna sa mga inabot ng iba’t ibang kalamidad noong nakaraang: sa kabuuang 302 kalamidad na nangyari sa daigdig ay 33 ang tumama sa Pilipinas, na nagbunga ng mahigit na P26 bilyong pinsala sa ari-arian at kumitil ng libu-libong buhay.

Sa mga mahihina ang loob, maaaring gamitin ang mga kalamidad na ito bilang dahilan ng mabagal na pagunlad ng ating bayan. Ngunit walang ibubungang mabuti ang pagbubunton ng sisi sa kalikasan. Sa halip, dapat nating ituring na isang hamon ang kalamidad upang lalo pa tayong magsikap na paunlarin ang ating kabuhayan. Isang mabuting halimbawa ang JAPAN, na halos araw-araw ay nakararanas ng LINDOL.

Dahil sa pagsisikap ng mga JAPANESE at ng kanilang pamahalaan, unti-unti nang nakababangon ang kanilang bansa mula sa malaking pinsalang idinulot ng lindol at tsunami .

Kung ito ay nagawa ng JAPAN, walang dahilan upang hindi rin magawa ng Pilipinas, na higit na mayaman kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Ang unang hakbang ay baguhin ang maling kaiisipan, harapin ang hamon ng mga kalamidad upang palakasin ang ating determinasyon na isulong ang ating bayan.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese