Home » Editoryal » ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

NOONG Hunyo 12, 1898, iprinoklama ni General Emilio F. Aguinaldo sa balkonahe ng bahay ng kanilang angkan sa Calle Real sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas, sabay na iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas habang tinutugtog ang Marcha Filipina na sinaksihan ng mamamayan.

Noong Setyembre 29, 1898, pormal na pinagtibay ng Malolos Congress ang Declaration of Independence. At noong Agosto 6, 1898, nagpadala ang Revolutionary Government ng diplomatic note sa mga banyagang bansa, na hinihiling sa bigyan ng pormal na pagkilala ang Pilipinas bilang isang malaya at nagsasariling bansa.

Isinuko ng Spain ang Pilipinas sa United States (US) sa 1898 Treaty of Paris. At noong Hulyo 4, 1946, matapos ang halos 50 taon ng pamamahala ng mga Amerikano, at mahigit tatlong taon ng pananakop ng mga Hapones, ay kinikilala ng US ang kalayaan ng Pilipinas sa Treaty of Manila.

Panadaliang ipinagdiriwang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hulyo 4. Nagpasya ang noo’y Presidente Disodado P. Macapagal noong 1962 na ipagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, bilang paggunita sa makasaysayang araw noong 1898 nang iproklama ni General Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Si Presidente Ferdinand E. Marcos, ang humalili kay Presidente Diosdado . Macapagal, ang kalaunan ay nagdeklara sa Hulyo 4 bilang Philippine-American Friendship Day.

Bago ang Rebolusyon ng Pilipinas noong 1896, maraming kalat-kalat na pag-aaklas sa iba’t ibang panig ng bansa laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ang Rebolusyong 1896 ang nagkaisa sa bansa hindi na hindi pa nasaksihan sa mga nakalipas na mga pagkikilos. Ang mga sumunod na kaganapan – ang Philippine-American War at World War II – marahil ang nagpaantala sa aktuwal na pagtatamasa ng soberanya, ngunit Hunyo 12, 1898, nang iproklama ng mga Pilipino sa mundo ang kanilang pagnanasa at determinasyon na manindigan bilang isang malaya at nagsasariling kasapi ng komunidad ng mga nasyon.

Ang Manila Bulletin sa pamumuno ng aming Chairman Dr. Emilio T. Yap, President at Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emililo C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., at mga Opisyal ay binabati ang buong bansa sa pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan ngayon. Dalangin namin ang pinakamabuti at tagumpay sa lahat ng ating mga adhikain.

Mabuhay ang Pilipinas!

Incoming search terms:

comments
  • Stevenmarco_18

    wewn

  • Ryanvelasco_321

    tae kailangan ko nung may five snetences each paragraph==

  • Hernzrellmercado

    kakainis bakit ito pa ang homework kakainis nag dame awwwwwww

  • Hernzrellmercado

    madami pala

  • Crankietown

    nakakalito….n

  • bhozsmahalkoh

    maganda nman ……

    tama!!!

    mabuhay ang PILIPINAS….

    KYA nga cnabi itz more fun in the philippines!!!!!

  • bhozsghiane

    mabuhay!!!!!!

    • mahalkitah

      ang alin ang mabubuhay????????????

      ikaw?



















Translate »