Home » Showbiz atbp. » Amy Perez, maselan ang pagbubuntis

Amy Perez, maselan ang pagbubuntis

Ni Kristina Orfiano

KUMPIRMADO. Dalawang magandang balita ang nakarating sa amin, at siyempre unahin na namin ang pagbubuntis ni Amy Perez sa kanyang ikatlong anak.

Dalawang buwan na ngayon ang nasa sinapupunan ni Tiyang Amy pero dahil medyo maselan ang pagbubuntis niya ay mukhang magli-leave muna siya sa kanyang mga show sa Kapatid Network, at isa sa mga posible niyang iwanan pansamantala ay ang Face to Face.

Pero hindi naman dapat mag-alala ang mga tagasubaybay nito dahil isang kaibigan namin ang nakapagsabing tuloy pa rin ang naturang programa at isang magaling na host ang papalit pansamantala kay Tiyang Amy.

Hindi madali para sa TVhost-actress na bitawan ang programang kanyang pinasikat at minahal pero dahil magaling naman ang kanyang magiging kapalit ay panatag si Tiyang Amy.

Si Gelli de Belen ang hahalinhin sa kanya.

Matatandaan na siyam na taon ding nagreyna sina Gelli, Janice de Belen at Carmina Villaroel sa timeslot na ito noong nasa GMA-7 pa sila. In fact, siyam na programa ang itinapat sa Sis noon pero walang nakapantay dito dahil sa masayang samahan at maayos na pagdadala ng tatlo sa show.

Kaya naman hindi nagdalawang -isip ang una nang ialok sa kanya ang nasabing show ng TV5.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Gelli, noong nakaraang linggo pa nakipag- meeting si Gelli sa mga bossing ng TV5.