Home » Pagtanaw at Pananaw » KALAYAAN

KALAYAAN

ANG tema ng ika-114 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas ay: “Araw ng Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan.“ Kaygandang tema para sa isang bansa na ang Pangulo ay isang binata na walang GINANG na laging nakabuntot at nakikialam sa pangangasiwa sa pamahalaan.

Kung noong Hunyo 12, 1898 idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng bansa, una sa buong Asia, ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946 nang pormal na isalin sa kamay ng mga Pinoy ang paghawak sa renda ng gobyerno. Subalit, talaga bang malaya na tayo at may kakayahang magsarili at magtanggol kapag may banyagang nakikialam at nanduduro sa atin?

Samantala, kailangan pa rin natin ang kalayaan mula sa kurapsiyon at karalitaan, at sana ay maging malaya tayo sa PANGGAGAYA (tulad ng paglalagay ng tattoo ng kabataan, paghihikaw ng kalalakihan, paninigarilyo) at kalayaan sa kolonyal na pag-iisip.

–ooOoo
Tinalakay nina PNoy at US Pres. Barack Obama ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea, partikular sa Panatag Shoal. Nagpasa na ang US Senate ng isang resolusyon para sa pinaigting at higit na malakas na US defense at security cooperation sa `Pinas, kabilang ang suporta sa modernisasyon ng militar ng Pilipinas. Naniniwala ang liderato ng Washington DC na si Pres. Benigno S. Aquino III ay tunay na lider ng bansa na “nagsisikap na masugpo ang kurapsiyon, cronyism at red tape“ na pumipigil sa pag-usad ng ekonomiya ng bansang may 93 milyong populasyon.

–ooOoo
Nakoberan ko sa Kamara si Sen. Joker Arroyo noong ito ay kongresista pa. Saksi ako sa pagiging simple, humble at matipid ng dating human rights lawyer at kalaban ng martial law. May kuwarto nga siyang nakalaan sa North Wing ng gusali, pero laging sarado, walang staff di tulad ng ibang mambabatas.

Batay sa report ng Commission on Audit, siya ang pinakamatipid sa Senado. Gumastos lang siya ng P16.6 million noong 2010 kumpara kina Sens. Jinggoy Estrada (P24.6 milyon) at Antonio Trillanes IV (P24.2 milyon). Ang tawag sa kanya ng mga reporter noon sa Kamara at sa Senado ngayon ay “Mr. Scrooge“ o kaya ay “Parsimonious Lawmaker.“ Ibig sabihin, pinakakuripot, este pinakamatipid na mambabatas.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »