NITONG nagdaang Mother’s Day celebration, nagbigay-pugay ang Absolute Distilled Pure Drinking Water sa limang mommy na nagbibigay inspirasyon, tulong at pagmamahal hindi lang sa kani-kanilang pamilya kundi pati sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagsuporta sa iba’t ibang foundation o charity.
Ang Absolute Mom Awards ay ginanap noong May 9 sa Museum Café, Greenbelt 4. Si Judy Ann SantosAgoncillo, ang Absolute Mom endorser, ang nag-abot ng Absolutely Inspiring Mom for Others award sa limang napilang ina.
Si Juday ay may sariling foundation na kanyang tinayo bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang 20th year sa industrya. Ang Touch A Heart Foundation ni Juday ay tumutulong para sa kinabukasan ng mga batang Aeta sa Orion, Bataan.
Bilang parangal sa limang awardee moms, nag-donate ang Absolute Distilled Drinking Water ng P20,000 para sa bawat charity na kanilang sinusuportahan.
Ang 5 Absolute Mom Awardees sa taong ito ay sina Patricia BermudezHizon (host at sportscaster), Pia Magalona (talent manager, asawa ni Francis Magalona), Tessa PrietoValdez (fashionista at kolumnista), Risa delos Angeles (leader and mentor) at Cathy Babao-Guballa (kolumnista at TOWNS awardee).

