Home » Dagdag Balita » Kaligtasan ng OFW sa Syria

Kaligtasan ng OFW sa Syria

Ang pagpapanatili sa kaligtasan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Syria ang mahalagang pinagtutuunang pansin ng gobyerno ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy pa rin ang isinasagawang mandatory repatriation para sa lahat ng OFWs sa Syria katuwang ang Syrian government.

Kaya minarapat ng gobyerno na huwag nang lumahok sa botohan ng UN Human Rights Council para sa isang resolusyon na kumokondena sa mga karahasan sa Syria tulad ng naganap na masaker sa bayan ng Houla na ikinamatay ng 108 katao.

Binatikos ng Human Rights Watch ang Pilipinas dahil sa pagiging diumano’y manhid ng bansa sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa Syria.

Paliwanag ng DFA, mas pipiliin ng gobyerno ng Pilipinas ang “strategic silence” kaysa magpahayag ng pagkondena sa nangyaring masaker. – Bella Gamotea

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »