Home » Balita » Mag-ingat sa iba’t ibang sakit ngayong tag-ulan -DoH

Mag-ingat sa iba’t ibang sakit ngayong tag-ulan -DoH

 

Ni Mary Ann Santiago

Kasunod ng opisyal na pagsapit ng rainy season ngayong Hunyo, pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang publiko na magingat sa mga sakit na nakukuha tuwing tag-ulan.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, program manager ng Emerging at Reemerging Diseases ng DoH, kailangang mag-ingat ang publiko sa mga sakit na nakukuha sa tubig.

Partikular na tinukoy ni Lee-Suy ang leptospirosis na makukuha sa pagbababad sa baha, disenterya at diarrhea na bunsod ng maruming tubig, gayundin ang ubo, sipon, lagnat at trangkaso na usung-uso tuwing tagulan.

Nagpaalala rin si Lee-Suy sa publiko na kung maaari ay iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may sugat sa binti o paa, upang makaiwas sa leptospirosis na
nakukuha sa ihi ng daga at iba pang hayop na humalo sa baha.

Mahalaga rin, aniya, na pakuluan sa loob ng tatlong minuto ang tubig na iinumin kapag binaha upang masigurong mamamatay ang bacteria, na maaaring magdulot ng diarrhea.

Umapela rin si Lee-Suy sa publiko na agad kumonsulta sa health center o sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman sa katawan upang maagapan ang sakit.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese