Home » Showbiz atbp. » Angeline Quinto, malakas sa takilya

Angeline Quinto, malakas sa takilya

Ni Reggee Bonoan

HALOS maiyak daw sa tuwa si Angeline Quinto nang malaman noong Miyerkules na malakas sa takilya ang pelikula nila ni Coco Martin na Born To Love You. Halos lahat tuloy ng taong tumulong sa kanila ay pinasasalamatan ngayon ng singer/ actress.

Naibalita rin sa amin ng tagaABS-CBN na malakas nga raw ang pelikula, kaya masaya ang producers ng Born To Love You na kinabibilangan nina Coco at Deo Endrinal.

Samantala, dumalo sa premiere night ng pelikula si Sarah Geronimo bilang suporta kay Angeline, kaya nalaman na ng lahat na hindi totoo ang mga intriga sa dalawa na magkaibigan pala talaga.

“Textmates sila at talagang bonding sila kaya no way na silang pag-awayin kung may mga nagbabalak pa. Actually, dalawa lang sa showbiz ang considered na kaibigan ni Angeline, si Sarah nga at si Erich Gonzales.

“`Kakatuwa nga kasi si Erich tumawag pa kay Angeline na hindi siya makakapunta sa premiere night kasi nasa Ilocos siya, may shooting.

“Eh, may regalo siyang shoes kay Angeline, kaya `yun ang suot niya sa premiere night. Nakakatuwa si Angeline, nakalusot na siya sa first movie niya at talagang ang sayasaya niya,“ kuwento ng isa sa mga taong malapit sa dalaga.

Nalaman namin na since maituturing na first mainstream movie rin ni Coco ang Born To Love You ay siya mismo ang pumili kay Angeline na maging leading lady niya, at nangako raw talaga ang aktor na tutulungan niya ang dalaga.

Napakasuwerte naman ni Angeline, personal choice siya ni Coco. Kaya pala tinutukan din nito ang acting niya habang nagsoshooting sila.

Very vocal si Angeline na super crush niya si Coco. Hmmm, hindi kaya patulan siya ng aktor na mahilig sa mapuputi? Wala lang, naisip lang namin, he-he….

Sana lang hindi lumaki ang ulo ni Angeline at huwag siyang maglukalukahan dahil isang pelikula pa lang ang napapatunayan niya. Saka na siya mag-inarte kapag nakasampung hit movies na siya, may sarili nang bahay at lupa, investments at maraming savings.

Incoming search terms:

  • LOLS PANGIT NI

    labas mga pangit fans!

  • Sam

    Idol ko kayo ni Angeline and Erich!!

  • Alexianeet

    yong mga bitter dyan,,,,,ohh ano say nyo ngaun na kumikita at tumatabo sa takilya ang pelikula ne angeline? inggit kayo nyo?..gusto nyo kc yong idol nyo lang ang sisikat…its time to shine para kay anggeline!!!..may potential talaga cya!!! at natural ang acting..di tulad ng iba dyan OA….ang arte arte pa!!!!

  • Sailor_moon792

    Please be happy nalang kayo for angeline and besides don’t judge her right away,we had a different choice just give a respect for angeline and coco, think first before you click,and the fact ang ganda nang pelikula nila……PARANG seasoning all in one may love,family,friendship most of all may values that we can learned from the movie……..

  • smilette

    can you tell the numbers?wala pa kasing balita sa gross income nila kahit sa first day lang.thanks!