Home » Probinsya » Babuyan, gulayan, pangisdaan, dapat ding tutukan para sa food security

Babuyan, gulayan, pangisdaan, dapat ding tutukan para sa food security

Ni Leonel Abasola

Nanawagan si Senator Ralph Recto sa gobyerno na bigyang-pansin ang seguridad ng pagkain sa bansa upang hindi makaranas ng pagkagutom ang mga Pilipino.

Iminungkahi ni Recto na dapat maging seryoso ang gobyerno sa pagtukoy sa mga pagkaing dapat palaguin o dagdagan ang produksiyon.

“The goal of achieving food security should not be pegged alone on attaining rice sufficiency. There are other sectors of agriculture that are equally important in delivering adequate food supply to our people,” sabi ni Recto.

Sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Recto na dapat mapabilang ang hog industry, poultry, vegetable farming at pangingisda sa mga tinututukan ng gobyerno.

Sinabi ni Recto na dapat ding bigyang-pansin ang mga post harvest facility upang hindi masayang ang mga ani ng magsasaka, partikular ang mais at palay.

“While the rice sector will post surpluses next year, let’s not forget the livestock sector. More neutral investments would benefit everyone,” dagdag pa ni Recto.

Aniya, malaki pa rin ang kakulangan sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga farm-to-market road, na dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »