Home » Editoryal » PAGPUPURSIGENG MAKASABAY ANG MGA LOKAL NA PRODUKTO SA PANDAIGDIGANG MERKADO

PAGPUPURSIGENG MAKASABAY ANG MGA LOKAL NA PRODUKTO SA PANDAIGDIGANG MERKADO

MALAKI ang ginagampanang papel ng small and medium enterprises (SMEs) sa social economic development, sa pamamagitan ng paglilikha ng mga trabaho at oportunidad sa negosyo, paggamit ng mga katutubong materyales, kinikitang dolyar, at ugnayan sa iba pang mga industriya. Sa lumalagong demand para sa mga lokal na produkto sa ibayong dagat, sinimulan ng SMEs na magpatupad ng mas maraming agresibong kampanya para isulong ang kanilang mga produkto at maghanap ng mga bagong merkado.

Patunay rito ang popularidad ng mga trade fair at exposition na ginaganap sa Metro Manila at iba pang mga probinsiya. Nakikita ito ng mga entrepreneur na lugar para ipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo, at tinatangkilik ito ng publiko dahil sa mga natatangi, bago at abot-kayang mga paninda.

Ang SMEs ang bumubuo sa 99.6 porsiyento ng 80,000 negosyo sa bansa, karamihan sa export, at nagbibigay ng trabaho sa 63 porsiyento ng puwersa ng paggawa. Habang karamihan sa mga trabaho ay matatagpuan sa Metro Manila, ang SMEs ay nagbibigay din ng trabaho sa mga economic zone at science park sa buong bansa. Sinusuportahan ng gobyerno ang SMEs bilang lakas ng ekonomya ng Pilipinas. Ang small enterprises ay negosyo na may puhunan at kabuuang ari-arian na P3 hanggang P15 million, habang ang medium enterprises ay may puhunan at kabuuang ari-arian na mahigit P15 million hanggang 100 million.

Ang Republic Act 6977, ang “Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) of 1991,“ ay isang makasaysayang batas para sa MSMEs. Dalawa pang batas ­ ang RA 9178, ang “Barangay Micro Business Enterprises Act of 2002,“ at RA 9501, ang “Magna Carta for Micro, Small Medium Enterprises of 2008“ ­ ang nagbigay ng mga insentibo sa mga barangay-based micro businesses at pinalawak ang sektor ng SME upang isama ang micro enterprises.

Habang dumarami ang community-based enterprises na nagpapatuloy sa kanilang inobasyon at pinapasok ang mas maraming merkado dito at sa ibang bansa, tinutulungan sila ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng kanilang mga produkto, nagpapakilala ng mga bagong teknolohiya at mga marketing strategy upang pagbutihin ang operasyon, itaas ang productivity, at bawasan ang gastos sa produksiyon. MALIGAYANG BATI!

Incoming search terms: