Home » Balita » Malacañang: Suportahan si Jessica Sanchez

Malacañang: Suportahan si Jessica Sanchez

Nanagawan kahapon ang Malacañang sa lahat ng Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo na suportahan si Jessica Sanzhez na sasabak sa American Idol Season 11 finals sa susunod na linggo.

Umapela si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga Pinoy hindi lamang sa Amerika at Pilipinas subalit maging ang mga naninirahan sa ibang bansa na iboto ang Filipino-Mexican sa online voting via Facebook at Skype matapos ang kanyang pagtatanghal sa top rating American show ngayong linggo.

Makakaharap ni Sanchez ang kapwa finalist nito na si Phillip Phillips.

“We should really throw our support behind Jessica. She showed to the world the musicality of Pinoys,“ sinabi ni Valte sa panayam sa radio station DZBB.

“We wish her the best of luck. This is the final stretch. We believe that after that, we will have our new American Idol,“ dagdag niya.

Mismong si Pangulong Benigno S. Aquino III ang nangampanya kay Sanchez sa kanyang hangad na magwagi ito sa prestihiyosong talent search show.

Kabilang din sa mga nanawagan ng suporta kay Jessica si Vice President Jejomar C. Binay na nagsabing dapat ipakita ang bayanihan ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pag-boto sa FilMexican singer.

“The overwhelming support you have shown is proof that with the spirit of bayanihan that is innate in us Filipinos, nothing is impossible,“ sinabi ni Binay, na siyang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns.

“I am confident that with our continued support, Jessica will be the next American Idol,“ aniya.

Ang ina ng 16-anyos na singing sensation na si Editha, ay tubong Samal, Bataan, habang ang kanyang ama ay isang tubong Texas, USA na may dugong Mexican. – JC Bello Ruiz/Manila Bulletin