Home » Daigdig » Likas na yaman, ‘di sapat para sa lumolobong populasyon -WWF

Likas na yaman, ‘di sapat para sa lumolobong populasyon -WWF

Dahil sa lumolobong pandaigdigang populasyon at labis-labis na paggamit ng likas na yaman sa mundo, nanganganib ngayon ang kalusugan ng planeta, ayon sa conservation group na World Wildlife Fund (WWF).

Hindi na makaagapay sa mundo sa pangangailangan sa likas na yaman at “tremendous“ ang pressure na dulot nito sa biodiversity ng planeta, ayon sa WWF.

Sa huling survey sa kalusugan ng mundo, tinukoy ng WWF ang Qatar bilang bansang may pinakamalaking ecological footprint o pinsala sa kalikasan, kasunod ang mga kalapitbansa nitong Kuwait at United Arab Emirates.

Kinumpleto ng Denmark at Amerika ang top five, batay sa pagkukumpara ng mga nagamit na renewable resources laban sa kapasidad ng mundo para magregenerate nito.

Natuklasan ng Living Planet Report na ang mayayamang bansa ay limang beses na mas malaki ang ecological footprint kumpara sa mahihirap na bansa.

Sa buong mundo, dumoble ang pinsala sa kapaligiran simula 1966.

“We are living as if we have an extra planet at our disposal,“ sabi ni Jim Leape, director general ng WWF International.

“We are using 50 percent more resources that the Earth can sustainably produce and unless we change course, that number will grow fast -by 2030 even two planets will not be enough.“

Ginagawa bawat dalawang taon, iniulat ng survey ang average na 30 porsiyentong nabawas sa biodiversity simula 1970, umakyat sa 60 porsiyento sa mga pinakaapektadong tropical region.

Mabilis ang naging pagbaba sa mahihirap na bansa, “demonstrating how the poorest and most vulnerable nations are subsidising the lifestyles of wealthier countries,“ ayon sa WWF.

Sa buong mundo, may 13 milyong ektarya ng kagubatan ang naglalaho kada taon sa pagitan ng 2000 at 2010.

“An ever-growing demand for resources by a growing population is putting tremendous pressures on our planet’s biodiversity and is threatening our future security, health and wellbeing,“ ayon sa grupo.

Inilabas ang report ilang linggo bago ang pagpupulong na Rio+20 sa Hunyo, ang ikaapat na pinakamalaking summit tungkol sa sustainable development simula 1972.

Kinumpirma ni French Presidentelect Francois Hollande na kabilang siya sa 100 lider sa mundo na dadalo sa summit upang tukuyin ang mga hakbangin para sa ekonomyang nababalanse ang kaunlaran, epektibong nasusugpo ang kahirapan at napoproteksiyunan ang kalikasan.

Hangad ng WWF ang mas maraming epektibong sistema sa produksiyon na makababawas sa pangangailangan ng tao sa lupa, tubig at enerhiya, bukod pa sa reporma sa mga polisiya ng mga gobyerno sa pagsukat sa pagsulong ng isang bansa.

Ngunit ang dapat na agarang tutukan, ayon sa WWF, ay ang mabawasan ang pinsala sa kalikasan na idinudulot ng mayayamang bansa, partikular ang carbon footprint ng mga ito.

“This report is like a planetary check-up and the results indicate we have a very sick planet,“ sabi ni Jonathan Baillie, conservation programme director ng Zoological Society of London, na kasama ng Global Footprint Network sa paggawa ng report. – Agencé France-Presse

Incoming search terms:

comments
  • eunice

    ano ba ang likas yaman sa inyo!!!



















Translate »