Basagin na ang alkansya at gastusin ang barya.
Naghain si Senator Manuel Lapid ng panukalang batas na nagpaparusa sa mga nagtatago ng barya upang maiwasan ang kakulangan nito.
Tinukoy ang tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sinabi ni Lapid na dapat ay mayroong 17.34 bilyong barya—nagkakahalaga ng halos P18.94 billion—sa sirkulasyon. Ito ay nangangahulugan ng halos 184 barya sa bawat Pilipino.
Nagbabala si Lapid laban sa pagtutunaw ng mga barya at ang nakagawiang pagtatago nito sa mga alkansiya at paghuhulog sa mga coinoperated machine, na nagbabanta sa maayos na sirkulasyon ng barya sa bansa.
Ipinanukala niyang papatawan ng isang taong pagkakakulong at multang P100,000 “for every one thousand pieces of coins hoarded or a fraction thereof.” Kapag naisabatas, bibigyan nito ng karapatan ang gobyerno na kumpiskahin ang mga barya para magamit ng pamahalaan. – Yahoo News

