Home » Balita » Teenage pregnancy sa bansa, dumarami

Teenage pregnancy sa bansa, dumarami

Ni Mary Ann Santiago

Isinisi ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko ang pagtaas ng teenage pregnancy sa bansa sa nagkalat na contraceptives at sa kabiguan ng mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang moral values at pagpapahalaga sa kultura ng pamilya.

Reaksiyon ito ni Lipa City Archbishop Ramon Arguelles sa lumabas na survey ng National Demographic Health na lumilitaw na ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa Asia sa bilang ng teenage pregnancy.

Ayon kay Arguelles, dapat sisihin sa sitwasyong ito ang mga taong nagpapakalat ng mga contraceptive at nagsusulong sa Reproductive Health bill.

Bukod dito, naniniwala si Arguelles na isa ring rason ang mahinang moral values na ibinibigay ng magulang sa kanilang mga anak at kabiguang ituro ang pagpapahalaga sa kultura ng pamilya kayat nabuntis o nakabuntis ang kabataan nang wala pa sa panahon.

Nanindigan si Arguelles na ang dapat na ituro sa mga anak ay ang pagkakaroon ng moralidad.

“Dahil sa nagkakalat sila ng condom, at itinuturo as early as 6 years-old how to do it, hindi on how to be pure, dapat morality ang tinuturo, they foresee ang trend ng mundo ay free love, regardless of marriage, family and religion, kaya kulang sa values ang itinuturo nila na puwedeng gumawa noon pero huwag lang kayo pabubuntis, asan ang moral diyan?“ ani Arguelles, sa panayam ng Radio Veritas.

“Kaya maraming ganyan (early pregnancy), una, they don’t give the young people opportunity for education, imbes na gumastos para sa edukasyon eh sa condom sila gumgastos, pangalawa, ang kultura hindi na tinuturo ng mga magulang mga mga Christian values yung utos ng Diyos kaya pati abortion okey lang, at pangatlo, hinihikayat ang mga magulang na magtrabaho sa labas ng bansa kaya napapabayaan nila ang kanilang mga anak,“ aniya pa.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »