Home » Probinsya » BFAR, nakaalerto sa posibleng panibagong fish kill sa Taal Lake

BFAR, nakaalerto sa posibleng panibagong fish kill sa Taal Lake

Ni Rommel Tabbad

Muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa posibleng fish kill sa Taal Lake bunsod sa pagsisimula ng tagulan sa bansa.

Ayon kay BFAR director Asis Perez, nagkakaroon ng tinatawag na lake overturn o pagpapalit ng klima sa lawa at bumababa ang oxygen level nito.

Inamin ni Perez na pinulong na ng ahensiya ang mga fish cage owner at pinayuhang maagang hanguin ang mga isda upang maiwasan ang malawakang pagkamatay ng mga tilapia at bangus.

Nagpadala na si Perez ng mga tauhan mula sa law enforcement unit lulan ng speed boat para magpatrulya sa lawa at mag-monitor sa mga fish cage owner kung sumusunod ang mga ito sa kanilang kautusan.

Sa ngayon aniya ay normal pa ang oxygen level sa Taal Lake na nasa 6.9
parts per million (ppm) batay na rin sa monitoring ng BFAR.

Aabot naman sa P2 million ang inilaan ng BFAR para magamit kung sakaling magkaroon muli ng fish kill at masimulan na rin ang pagtatayo ng proper disposal area sa lugar.

Noong nakaraang taon, tinamaan ng malawakang fish kill ang Taal Lake na lubos na nakaapekto sa suplay ng isda sa Metro Manila at Region 4.

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese