Home » Showbiz atbp. » 4 kuwentong survivor sa ‘SOCO’

4 kuwentong survivor sa ‘SOCO’

MARAMING krimen ang hindi nasusolusyunan dahil sa kawalan ng ebidensiya ngunit mayroon namang pambihirang pagkakataon nanabubuhay ang mga biktima para maging susi sa paglutas nito.

Sa lahat ng Biyernes ng Mayo, itatampok ni Gus Abelgas sa SOCO: Scene of the Crime Operatives ang apat na “survivor story” o mga krimeng may pag-asa pang masolusyunan, dahil sa mga biktimang nakaligtas sa mga ito.

Bukas, Mayo 4, mapapanood ang kaso ng magkaibigang bakla na pinagtangkaang patayin ng lalaking lasing. Himalang nakaligtas ang isa sa kanila na naging susi upang mabigyan ng hustisya ang kaibigan at maresolba ang krimen.

Ilalahad naman sa Mayo 11 ang kuwento ng magkababatang dumanas ng marahas na hazing session sa fraternity, na isa sa kanila ay nabuhay habang ang isa nama’y napaslang at isinilid sa drum bago iniwang palutang-lutang sa Pasig River.

Samantala, paggahasa at pagpatay sa isang dalaga ang iimbestigahan ni Gus sa Mayo 18. Nagkunwaring patay ang kapatid ng biktima matapos silang paghahampasin ng kanilang kapitbahay.

Isang car dealer agent naman ang muntikan nang mamatay matapos sakalin, suntukin, at saksakin ng taong bibili sana ng kanyang sasakyan. Masuwerteng nabuhay ang biktima upang maisuplong sa pulisya ang nangyari, at patuloy itong susundan ng SOCO sa Mayo 25.

Samahan si Gus Abelgas sa paghahanap ng hustisya sa SOCO: Scene of the Crime Operatives bawat Biyernes ngayong Mayo, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN,o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 ng gabi.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »