Home » Showbiz atbp. » ‘Showtime,’ ‘di tatanggalin sa ere

‘Showtime,’ ‘di tatanggalin sa ere

 

Ni Jimi C. Escala

DUMALAW kami sa studio ng Showtime kamakailan at nakausap namin ang isa sa mga namamahala ng show. Mariin niyang pinabulaanan ang kumakalat na tsikang mawawala na sa ere ang Showtime.

Ayon sa executive na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala rin daw katotohanan na ibabalik sa dating time slot ang show nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Atienza, at iba pa.

“Tingnan mo naman ang mga host ko, ang saya-saya nila at wala silang pakialam sa mga naglabasang intriga. Basta ang alam naming lahat, maganda ang feedback ng Showtime at maski na ang management, eh, masayang masaya sa show,“ sey ng TV exec.

Hindi aware ang TV exec na nakausap namin sa tsika na kesyo ang magbarkadang sina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada ang magiging main host sa ipapalit na show raw sa Showtime.

Kumpara sa katapat, kahit daw hindi pa nila natatalo sa ratings ang Eat Bulaga ay higit na mas maraming commercial load ang Showtime.

“Hindi naman sa pagmamayabang, 17 commercials kami per gap. Fully loaded kami ng commercials at alam n’yo naman ang commercial rate ng Dos, mas mataas kaysa ibang istasyon. So, sino ngayon ang panalo?“ sey pa rin ng kausap namin.

Binanggit din niya sa amin na walang papalitan sa mga kasalukuyang host ng Showtime. Kahit nakatakdang pumunta sa ibang bansa si Billy Crawford

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese