Home » Probinsya » Bullying sa eskuwelahan, bawal na

Bullying sa eskuwelahan, bawal na

 

Dahil sa nakaaalarmang ulat sa pambu-bully o panduduro sa mga magaaral sa Bulacan, binuo kamakailan ng pamahalaang panglalawigan ang konseho na susugpo sa nasabing pangaabuso.

Ayon sa ulat, sa pamamagitan ng Provincial Ordinance 2012-06 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan, ipinagbabawal ang panduduro sa mga mag-aaral sa lahat ng paaralan sa lalawigan, pribado man ito o pampubliko.

Sa pag-apruba sa nasabing ordinansa, inaatasan ang lahat ng paaralan sa lalawigan na magbalangkas ng mga alituntunin at regulasyon laban sa pananakot o panduduro sa mag-aaral.

Gayundin, binuo ang Panlalawigang Konseho na sasawata sa bullying, na pangungunahan ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd) at mga school organization, upang gumawa ng mga polisiya at magmonitor sa implementasyon ng nasabing ordinansa.

Papatawan ng P5,000 multa at anim na buwang pagkakakulong ang sinumang empleyado o opisyal ng eskuwelahan na lalabag sa ordinansa.

Nabatid na pito sa bawat sampung mag-aaral ang nabibiktima ng panduduro, na karaniwang nangyayari sa elementarya.

Ang Provincial Ordinance 201206 ay iniakda ni 1st District Board Member Therese Cheryll Ople, at ni Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Bokal Mark Jerome Anthony Santiago. – Leandro Alborote

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese