Home » Balita » Halal products, tampok sa Malaysia

Halal products, tampok sa Malaysia

 

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang pagsali ng Pilipinas sa 9th Malaysia International Halal Showcase (MIHAS) na binuksan sa Kuala Lumpur Convention Centre nitong Abril 4.

Nabatid na ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunahan nina Suraida U. Guro mula sa Department of Trade and Industry-Bureau of Export Trade Promotion, Chol D. Dela Paz ng Center for International Trade Exposition and Missions, at Engineer Leandro H. Gazmin ng Department of Agriculture.

Bumisita naman sina Ambassador J. Eduardo Malaya, kasama sina Consul Gonaranao Musor, Vice Consul Johann Veronica Andal at Trade Assistant Louie Brigida Quero Lee, sa Philippine pavilion at nakibahagi sa mga exhibitor.

“The Philippines has a natural competitive edge in halal products in the world, as Muslim-Filipinos form a significant segment of our society.

We should further develop and promote our halal food, particularly for
export, even as we make our tourism destinations in the Philippines also more friendly to Muslim tourists,“ sabi ni Ambassador Malaya.

Tinaguriang “Philippines: A Feast of Flavors“, nakilala ang Philippine pavilion sa exhibit hall dahil sa ganda ng pagkakaayos ng iba’t ibang booth nito, kaya naman dinumog ng mga mamimili at iba pang interesadong partido kasabay ng pagtanggap ng mga sample mula sa exhibitor, gayundin ang pagsasagawa ng katulad na aktibidad pang-negosyo.

Ipinakita sa Philippine pavilion ang mga processed food, sangkap, condiments, seafood, sariwang prutas at gulay, maging ang mga natural at organic na produkto.

Kabilang sa mga exhibitor ang Angel Coco, Inc.; Anjo Farms, Inc.; Magic Melt Foods, Inc.; Mofel’s Food International Corp., Pampanga’s Best; Republic Biscuit Corporation (REBISCO); Raw Brown Sugar Milling Company, Inc., at Beauche International by Conchita, Inc. – Bella Gamotea

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese