Home » Daigdig » Pandaigdigang populasyon, aabot sa 9.3B

Pandaigdigang populasyon, aabot sa 9.3B

NEW YORK ­- Ang kasalukuyang pitong bilyong populasyon ng mundo ay aabot pa sa 9.3 bilyon pagsapit ng 2050, na karamihan sa madadagdag ay mula sa malalaking lungsod sa Africa at Asia, ayon sa ulat ng United Nations kahapon.

Ayon sa population division ng Economic and Social Affairs Department ng UN, ang populasyon sa mga lungsod sa mundo ay nasa 2.6 billion na ngayon, at lolobo sa 6.3 billion para sa pandaigdigang kabuuan na 9.3 bilyon sa 2050.

“The urban areas of the world are expected to absorb all the population growth expected over the next four decades while at the same time drawing in some of the rural population,“ ayon sa UN.

Layunin sa pagtatayang demograpiko na tulungan ang mga gobyerno sa pagbubuo ng mga polisiyang may kinalaman sa paglobo ng populasyon.

Ayon sa UN, ang malalaking lungsod sa mundo ay nahaharap sa paulit-ulit na mga suliranin sa pagkakaloob ng trabaho, pabahay, kuryente at imprastruktura.

Ang pinakamalalaking pagtaas sa populasyon ay inaasahan sa India, China, Nigeria, Indonesia at Amerika.

Mula 2010 hanggang 2050, ang mga lungsod sa India ay aabot sa 497 milyon ang populasyon, nasa 341 milyon ang nasa mga siyudad sa China, 103 milyon sa Amerika, 200 milyon sa Nigeria, at 92 milyon sa mga lungsod sa Indonesia, ayon sa UN report.

Sa Pilipinas, pumalo na sa mahigit 94 milyon ang kabuuang populasyon, batay sa huling pag-aaral ng National Statistics Office.

Deutsche Presse Agentur

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »