Home » Balitang Cute » Unang elektrisidad

Unang elektrisidad

Abril 3, 1972, ang unang electric power na nakuha sa U.S. na ginatungan ng solid waste ng bayan ay prinodyus ng Meramec Plant of the Union Electric Company sa St. Louis, Missouri.

Ang venture ay pinagsamang pagsisikap ng lungsod ng St. Louis at sa tulong pinansiyal ng Environmental Protection Agency.

Ang benepisyo ng proyekto ay kinabibilangan ng environmentally acceptable na paraan ng pagtatapon ng solid waste, reduced fossil fuel consumption, at cost savings kapwa sa utility at sa lungsod. – Angela Garchitorena, MB Research