Home » Showbiz atbp. » Billy Crawford at Nikki Gil, tuloy ang relasyon kahit ‘maghihiwalay’

Billy Crawford at Nikki Gil, tuloy ang relasyon kahit ‘maghihiwalay’

 

WALA nang atrasan at sigurado na ang alis ni Billy Crawford bukas papuntang France. Susubukan daw uli ni Billy na i-revive ang career niya sa naturang bansa.

Pero hindi naman daw maaaring magtagal ang pagkawala niya sa Pilipinas kaya after three to four months ay naririto na uli siya para sa commitments niya sa ABS-CBN.

Ang problema sa pag-alis ni Billy ay ang Showtime dahil nakapirma siya ng kontrata rito.

Earlier this year pa dapat umalis si Billy, pero nag-reformat ang Showtime at inilipat ng timeslot at natakot siya na mawalang tuluyan sa show na napamahal na sa kanya.

Maiiwanan din ni Billy ang kasintahang si Nikki Gil, na kamakailan ay kumalat na nakipagbreak na raw sa kanya.

Pero nilinaw ni Billy na walang nangyaring hiwalayan at kahit nasa France siya ay tuloy pa rin naman komunikasyon nila at kahit anong mangyari ay babalik siya agad sa Pilipinas, at isa si Nikki sa mga dahilan.

“Hinding-hindi ko maiiwanan ‘yung magpo-four years na relasyon namin. Well, lahat naman ng relationship, sabihin mo nang hindi perpekto, of course may pinagdadaanan paminsan-minsan, misunderstanding. Pero if you want a relationship to work, you’re gonna make it work,” banggit pa rin ni Billy. —Jimi Escala

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese