Home » Pagtanaw at Pananaw » PORK BARREL

PORK BARREL

NABASA ba ninyo ang istorya sa Manila Bulletin tungkol sa isang lotto winner na nanalo ng P14 million pero sa loob lamang ng ilang buwan ay naubos agad dahil sa walang habas na paggasta sa sugal, alak, babae at iba pang bisyo?

Ngayon, balik siya sa dating estado sa buhay matapos bumili ng P4 million na bahay sa isang magarang subdivision, mamahaling SUV at namalato ng may P2 million sa mga kaibigan, kamag-anak, kakilala, at kaopisina. Inamin niyang nagbuhay-milyonaryo siya at gumagastos ng P100,000 bawat araw. Ito ay nangyari noong 2008.

Ano ba sa Tagalog ang PORK BARREL na pinagmimithian ng mga mambabatas, pinag-aawayan at ugat daw ng kurapsiyon ng mga pulitiko at taong-gobyerno?

Ito ang tanong sa akin ng isang kaibigan minsang umuwi ako sa probinsiya para lumanghap ng hanging hindi kasingdumi sa Metro Manila.

“Puwede na ba ang BARILES NG KARNENG-BABOY?“ tugon ko.

“Aba, masyado yatang literal ang saling ito,“ protesta niya.

O sige, sabihin nating ito ay LALAGYAN NG PERA na ginagamit ng mga mambabatas para sa kanilang mga proyekto na laging may kaakibat na porsiyento na ibinibigay ng pinili nilang kontratista!

Bawat kongresista ay may alokasyong P70 million at ang Senador ay P200 million kada taon. Ang pork barrel ay tinatawag ding Priority Development Assistance Fund (PDAF), pero sa bulgar na kahulugan, dukutan ito ng pondo ng mga kongresista at senador.

Mula sa Malacañang, itinanggi ng tagapagsalita ni PNoy na ginagamit ang pork barrel para mapresyur ang sino mang solon na suportahan ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato C. Corona.

Samantala, may kapilyuhan talaga ang na-cite for contempt na si defense counsel member Atty. Jose Roy III: “Mali ang bald predictions, este, bold predictions ng Pangulo na tiyak na mapapatalsik si CJ Corona.“ Nagkamali raw siya ng bigkas sa “bold“ at naging “bald“.
Ano ka ba?

Si Atty. Roy din ang naghayag noon sa presscon na nag-alok daw si PNoy ng tig-P100 million sa mga senador para paboran na ihayag ang dollar savings account ni CJ Corona sa PSBank.

Incoming search terms:

comments
  • natalia

    the best ngayun ko lang alam



















Translate »