Home » Dagdag Balita » Metro Manila, lapitin ng kalamidad

Metro Manila, lapitin ng kalamidad

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa mga lugar sa Pilipinas na may multiple climate hazards o nanganganib na tamaan ng kalamidad tulad ng bagyo, pagguho ng lupa, lindol, baha, tag-ulan at tagtuyot.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Loren Legarda sa Regional Forum on Effective Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation in Greater Metro Manila Area na idinaos sa Quezon City Hall kahapon.

Tinukoy niya ang inilabas na resulta ng pag-aaral ng Climate Change Vulnerability Mapping for Southeast Asia ng Canada at Sweden na tinukoy ang National Capital Region (NCR) ay ikapito sa “most vulnerable“ area sa Southeast Asia at nangunguna sa Pilipinas sa usapin ng multiple climate hazards, katulad ng bagyo, landslide, lindol, baha, at tagtuyot.

Binanggit din ni Legarda na sa karagdagan pang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB), Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng World Bank (WB) na ang pangunahing tinatamaan ng kalamidad ang imprastruktura na magreresulta sa pagbagsak ng ekonomiya. – Rommel Tabbad

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese