Home » Balita » 2.9 milyong Pinoy, walang trabaho

2.9 milyong Pinoy, walang trabaho

Umakyat na sa 7.2 porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho simula Enero ngayong taon.

Batay sa quarterly data ng National Statistics Office (NSO), umaabot na sa 2.92 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho, mas mataas sa 2.64 milyon noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon sa NSO, umaabot sa 40.3 milyon ang kabuuang puwersang manggagawa sa Pilipinas noong Enero, mas mababa sa 41.2 milyon noong Oktubre.

Bahagya namang nabawasan ang mga Pinoy na underemployed o may mga trabaho na pero gusto pa ng karagdagang trabaho.

Mula sa 7.38 milyon noong Oktubre, nasa 7 milyon na lang ang underemployed sa Pilipinas nitong Enero.

Halos 60 porsiyento ng mga underemployed ay nagtatrabaho ng mas mababa sa 40 oras kada linggo.

Ang bilang ng walang trabaho sa Pilipinas ang isa sa pinakamataas sa Southeast Asia. – Beth Camia

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese