Home » Sentido Komun » NAKAPAGPAPAGALING

NAKAPAGPAPAGALING

 

Sa gitna ng kainitan ng mga isyu hinggil sa kriminalidad, pulitika at pangungulimbat -kabilang na ang balitaktakan sa impeachment trial sa Senado -makabubuting ibaling natin ang ating pansin sa isang makabuluhang paksa: Ang pangangalaga sa ating kalusugan. Ito ang pinakamahalaga, lalo na sa katulad naming nasa takipsilim na ng buhay.

At sa aking paulit-ulit na pagtalakay ng naturang makatuturang tema, lagi kong binibigyang-diin ang kahalagahan ng mga halamanggamot na batay sa mga pananaliksik ay siyang pinagmumulan ng mga medisina na ipinagbibili sa mga botika. Kabilang dito ang guyabano tea (ang pinakuluang dahon ng guyabano, kasama ang tangkay nito at may kahalong dahon ng pandan at tanglad). Batay sa karanasan, napatunayan ko na ang araw-araw na pag-inom ng guyabano tea ay nakapagpapabuti ng kalusugan. At nakalulunas ito ng maraming karamdaman, tulad ng prostate, high blood pressure at iba pa.
Isinasaad sa mga pananaliksik na ang guyabano ay sinasabing epektibong cancer cell killer.

Si Dr. Bernardo O. `Ka Bernie’ Dizon, ang paulit-ulit na nagsasabi na parang bulang naglaho ang depression na matagal nang bumabagabag sa kanya. Nalunasan ito ng walang humpay na pag-inom niya ng guyabano tea. Tahasan niyang sinabi na bumuti rin ang kanyang paningin; ngayon, siya ay nakapagmamaneho na nang mahabang oras.

At siya rin ang nagbigay sa akin ng mga patunay o testimony ng mga nakasubok ng guyabano tea. Si Bro. Florentino Caparro, Jr. ng Kinamaligan, Calauag, Quezon na 20 taon nang heart patient ay nakaiwas sa pagpapaopera dahil sa pag-inom ng naturang tsaa. Hindi lamang naging normal ang kanyang blood pressure, kundi nakatipid pa siya ng P850,000 na gastos sa operasyon. Si Dr. Danilo Castro ng Central Luzon State University (CLSU) ay nagpatunay na gumaling ang kanyang prostate. Hindi na siya umiihi nang may kasamang dugo: hindi na rin siya umiinom ng anti-biotics. At laging mahimbing ang kanyang pagtulog.

Ilan lamang ito sa mga patunay ng pagiging mabisa ng nasabing herbal plant. Gayunman, ang pag-inom nito ay nakasalalay na sa kagustuhan at kapasiyahan ng sinuman. Ang pagtalakay sa temang ito ay batay sa aking sariling obersbasyon ay karanasan.

Incoming search terms:

Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese