Home » Punto for Punto » MOTHER TONGUE

MOTHER TONGUE

Mag-klik kaya ang ideyang ito ng Department of Education o Deped na paggamit bilang medium of instruction o gamit sa pagtuturo mulang Kinder hanggang Grade 3 ang labindalawang pangunahing salita o diyalekto sa susunod na pasukan? Ang hakbang na ito diumano ay bahagi ng pagsisikap ng Deped para mapatibay o masanay at maisagawa ang tinatawag nilang programang Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTBMLE na naglalayong maiangat ang kasanayan ng mga mag-aaral).

Pinatitibay diumano ng Deped ang pagtuturo ng MTB-MLE bilang isa sa mga subject mulang Grade 1 hanggang Grade 3 at bilang medium of instruction mula Kinder hanggang Grade 3 para madevelop diumano pa rin sa mga ito ang tinatawag nilang well-rounded and life-long learners sa ilalim ng K to 12 basic education reform program. Ito ay ayon kay Education Secretary Armin Luistro.

Ang 12 pangunahing lengguwahe sa Pilipinas na gagamitin ay ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinan, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano. Hindi kasama rito ang salita ng mga Ita at mga Mangyan kung meron man.

Ang ibig segurong sabihin ni Mr. Luistro, kapag taga-Bulacan ka o iba pang lalawigan na ang salita ay Tagalog, Tagalog ang gagamiting panturo. Kung taga-Pampanga ka, Kapampangan, kung sa isang parti ka ng Mindanao, Tausug o Maranao at iba pa.

Hindi kaya sila magkaproblema rito? Papaano kung ang ilang tagaMindanao at Maranao na ang nalalamang salita ay Maranao at ang pamilya ay biglang lumipat sa Pangasinan, makaintindi kaya sila ng Pangasinense? Seguro ang idadahilan ng Deped ay: “Bahala na sila sa buhay nila“.

Pero baka naman may katwiran ang Deped dahil ayon sa kanila, ang mga local and international studies ay nagpapakita na ang pag-gamit ng lengguwahe sa bahay nila o iyong tinatawag na “mother tongue“ sa loob ng paaralan sa mga unang taon ng pag-aaral ng isang bata ay mabilis na natututo ng pangalawang lengguwahe o ang Pilipino at ang pangatlong lengguwahe na Ingles.

Incoming search terms:

comments
  • deon owen aquino

    ok

    • norhainah

      weeeh

      • norhainah_mamatay ka na

        gagu

  • norhainah

    maganda ang pagkagawa

    • norhainah

      bakit kailangan pang pagsama samahin?

      • babyyou

        para mas madaling malaman natural

  • norhainah

    pwede pahingi ng another idea tungkol sa microlevel grades

  • babyyou

    thanks 4 the information :) (y)



















Translate »