Home » Probinsya » CamSur, nakaalerto sa Mt. Asog

CamSur, nakaalerto sa Mt. Asog

Nakaalerto ngayon ang mga residente sa posibilidad na sumabog ang Bulkang Asog sa Camarines Sur.

Dalawang lugar sa Camarines Sur ang tinukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na delikadong maapektuhan sa pagsabog ng Mt. Asog.

Partikular na inalerto ng Phivolcs ang mga bayan ng Buhi at Iriga City, na parehong nasa paanan ng Mt. Asog, na ayon sa ahensiya ay kasalukuyang nagpapakita ng abnormalidad.

Kinumpirma sa report na isinumite sa Office of Civil Defense ni Ed Laguerta, chief volcanologist, na nadiskubre ang tatlong fault line at isang crater sa Mt. Asog.

Agad namang pinakilos ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos ang kanyang mga tauhan para paghandaan ang posibleng paglilikas sa mga residente.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal ng Iriga City, sa pangunguna ni Mayor Madeline Alfelor-Gazmen, na nakahanda ang rescue team ng pamahalaang lungsod para alalayan ang mga posibleng maaapektuhan ng kalamidad.

Kinumpirma rin ni Buhi Mayor Rey Lacoste na nagsanay na sila sa mga gagawin sakaling sumabog ang bulkan.

Nabatid na huling pumutok ang Mt. Asog noong ikaanim na siglo, at sa pagsabog ay nalikha ang kinagigiliwang Lake Buhi, na kabilang sa mga dinadayo ng mga turista sa Camarines Sur. – Fer Taboy

Incoming search terms:

  • http://www.facebook.com/people/Jeanna-Rellosa-Noarin/100000735712294 Jeanna Rellosa Noarin

    kung gaano man po katotoo ang balitang ito, ito po’y dapat na ipagbigay-alam sa taong-bayan ng sa gayon ay makapaghanda o mapaghandaan ito. hindi yung kung kelan sasabog na saka pa lang malalaman ng mga tao.

    • Jereco65

      Dapat po action agad ang mga Government Officials para sa ganitong warning ng Philvocs..Mag tulong-tulong para sa madaliang solusyon sa napipintong pagsabog..We know that every Iriguenios have their own Initiatives..pero kailangan suportahan ng mga Government Agencies. We will support your action Mayor..God bless Iriga & Buhi my hometown.

  • http://twitter.com/gabolific Gabz Asuncion

    Is this for real? I’ve been scouring the web for related news, but no results have surfaced yet. >:(

  • Ampzballao

    Please , dapat ang mga tao mag handa to any eventualities… Ganyan nangyare sa amin nuong pinatubo..we were warned ,pero so iba binalewala lang.. Ngayon a ding gobyerno tamaging hand na.. dire maiiwasan kin mag errupt.a bulkan but we can be ready kong anot ano man..Information desimination kawawa ang mga tao na caught unaware sa situation..BE ALERT BE READY…AND BE PREPARED….

  • Boyli66

    buraskita sikrituhan na nman bga

  • sol143

    awww… is this for real???? mapa totoo man o hindi, mag taga handa na po tayong lahat.nPero parang wala namang ginagawa ang mga govt. officials dito eeeehh. kahapon ko nga lang nalaman na me ganitong issue na pala bwt sa bulkan dito sa iriga!!! people of iriga and ang mga karatig bayan e mga walang ka alam alam po. n

  • http://www.facebook.com/people/Marianne-Oliva/100000904534757 Marianne Oliva

    sana nman hindi poh yan totoo..kc nakaka takot pag ganun,,MAG PRAY POH TAUNG LAHAT,,,pero dapat tlaga pinapaalam tlaga yun xa lahat para maka pag handa naman,,!!

  • Cesar Ferreras

    Nothing to worry about, but it’s better if we are prepared. nhttp://rmnnews.com/beta/news/national/27804-publiko-kinalma-ng-phivolcs-sa-posibleng-pagsabog-ng-mt-asog-sa-camsur.html

  • Be_my_reality

    di naman siguro maglalabas ng balita ang Philvocs kung wala silang katunayan. the good thing is lahat ng eto ay under observation pa naman. Pero, katulad ng nasabi ng iba, mas mabuti na ring alerto ang government officials ng karatig na mga bayan pati na rin ang mga tao. Transportations should be provided should it come. Gamit na kailangan sa paglikas ay dapat palaging nakahanda. Di naman natin hinihiling to, pero mas mabuti na ang alerto.

  • Lensha_baracena

    how come there’s no more update on this report? I have read that mt. asog is one of the active stratovolcano. Which means that like mt. pinatubo, it has the potential of causing havoc not only in iriga and buhi but most likely it may be farther than expected. Although the local government of the two communities have declared that they are ready, nobody elaborated about their disaster plan, if ever there is one in place. what about the people? are they made aware of what’s the worst thing that could happen and what to do if ever the volcano does erupt? is there an evacuation plan in place? what about the neighboring towns? are they made aware of what’s happening? I hope that more news and update comes up. People need more awareness and education about this issue. Will Phivolcs provide more data and what to look out for? like what are the things that people need to watch out for? I mean, there is no need to cry wolf if there is none. and in this case, we cannot let sleeping dogs lie. we need to be pro- active. and the first thing to do is know what is going on????

  • http://www.facebook.com/ting.villadares Ting Villadares III

    curios lang ako sa news nato, nung mag browse ako sa website ng phivolcs wala naman silang advisory tungkol dito? how come?

    • Wilfredoibarlin

      Sa tagal na ng panahon na ako naka istar diyan sa saten esad pa sanang beses akong naka mati nin linog (earthquake ) diyan mismo sa samen sa Sitio Pito, Penafrancia Sagrada, Buhi, Camarines Sur.Kaso ako ni agot diyan sa saderi namen mismo ana raga ni rulo-rulong-so parang ni lungso mga 10 seconds nangyari adi kaso 1981.Kin ni tuga ana Bulkan Mayon kaso 1968 adi yo pinaka worst yo interong abo naka abot mismo sa samen adto sa Sitio, Pito interong mga tinanim nag mistulang uring pero pag uran na alin man saka pasalamat ta naging pataba sa mga tinanim natatanyag man yo bangey namen sa Sta. Clara.Nasunod naman seguro yo aftershock kaso ng linog yo sa Sibuyan fault line naka abot diyan sa saten sa Buhi. Kaya ako mismo agko paniwala na ana volcanic fault line naka linya na nagi alen sa pusod niya Bulkan Mayon parallell sa crater niya Mount Asog saka naka linyada man sa irarem nin raga sa Mount Isarog.Por dahil sa active permi ana Bulkan Mayon saka actibo permi ana Tiwi Geothermal Plant nababawasan ana volcanic activity pressure sa irarem niya raga sa saten diyan sa Buhi.Kin analisaren ta ana pi sabing pusod niya crater niya Mount Asog naka butwa sa parting lugar diyan sa Cabatuan sa oro ibaba niya pang pang niya Salvacion.Sabi niya mga pinsan ko diyan ana libtong.Kaya sa kapwa ko Boinen dapat paghandaan ta ading precaution na posibleng mag tuga”eruption” ading saten na arani MOUNT ASOG tabi!!!Mabalos!!!

  • Gambanvirgie

    nako! sana d an mangyari….nakakatakot…..Lord pls help us

  • Jam

    sabi ng volcanologist dito sa bicol mt asog and mt isarog are active volcanoes,pero d naman daw alam kong kelan tlaga sya mag e errupt. ang problema ang lgu iriga d man lang mag update tungkol sa issue na ganito. sana mag update sila kong ano na ang situtation ng mt asog. maging handa tayo sa lahat ng oras..(we need more information with these kind of news).

  • Y Glorie

    wag naman po sanang mangyari yan mapaparalisa ang ating buong bayan ng buhi pag nag kataon.delikado masyado ang aming kalagayan lalo at taga de la fe kami…let us pray and hope that it will not happen…..

  • Jhunhonest

    Hindi magpapalabas ng ganitong impormasyon ang mga eksperto kung wala silang nakitang possibility of eruption ng Mt. Asog or Mt. Iriga…kaya dapat mas mainam na malaman agad ng mga taga Iriga at Buhi ang news na to para maging aware sila at mapaghandaan bago pa mangyari…hindi natin hinahangad pero mas mainam na ang alerto tayo at mas makakabuti ang maagang paglikas ng mga tao dyan…God Have Mercy on Us All…