Home » Probinsya » Lucena: 22 batang manggagawa, iniligtas

Lucena: 22 batang manggagawa, iniligtas

LUCENA CITY, Quezon – Dalawampu’t dalawang menor de edad na nagtatrabaho sa fishing port ang iniligtas kamakailan ng mga tauhan ng Lucena City Police, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Department of Labor and Employment (DoLE)-Quezon.

Ayon kay CSWDO Officer Radsma Umilin, 21 sa mga nailigtas ay lalaki at may nag-iisang babae na naghahanapbuhay sa fishing port. Ang iba sa kanila ay mga batang lansangan.

Ang operasyon ay ginawa nina Barangay Chairman Marcelo Magadia at Guillermo Robles, ng Philippine Ports Authority.

Ang mga iniligtas na bata ay dinala sa barangay hall at kaharap ang kanilang mga magulang ay pinagpaliwanagan ng mga kawani ng CSWDO kaugnay ng tamang pangangalaga sa mga bata. – Danny Estacio

Incoming search terms:

comments


















Translate »