Home » Balita » Venus, Jupiter, masisilayan ngayong Marso

Venus, Jupiter, masisilayan ngayong Marso

Inaasahang muling magiging makulay ang kalawakan ngayong buwan, dahil sa pagniningning ng dalawang planeta, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Matatanaw sa kalangitan ang pagniningning ng Venus at Jupiter, gayundin ang Saturn at Mars, na pawang masisilayan ngayong Marso.

“Venus and Jupiter will become a spectacular view in the western horizon after sunset during the month. Venus will be shining brilliantly at magnitude -4.2 while Jupiter will dazzle at magnitude -2.1,” saad sa inilabas na ulat ng PAGASA.

Ipinaliwanag ng PAGASA na ang Mars ay sasalubong sa posisyon ng Haring Araw, at lalapit sa Earth ngayong Lunes, Marso 5, sa distansiyang 101 milyong kilometro.

Ayon sa ahensiya, ang Mars ay matatagpuan sa seven degrees mula sa eastern horizon, at magniningning sa lakas na magnitude -1.2.

“It will lie among the background stars of the constellation Leo, the Lion,” saad sa astronomical diary ng PAGASA.

Masisilayan din umano ang liwanag ng Saturn sa lakas na magnitude +0.3, at matatagpuang kabilang sa background stars ng Virgo constellation.

Ito ay matatagpuan 18 degrees sa itaas ng east southeastern horizon, dakong 10:00 ng gabi, at masisilayan buong Marso.

Gayunman, ayon sa PAGASA, masyadong malapit sa Araw ang Uranus at Neptune para maobserbahan. – Rommel Tabbad

comments


















Translate »