Home » Pahina Siyete » ANG OBRA NI BOTONG FRANCISCO

ANG OBRA NI BOTONG FRANCISCO

 

Dinarayo ngayon sa Angono, Rizal ­ ang Art Capital ng bansa at ASEAN Culture Capital ­ ang mga likhang-sining ng National Artist na si Carlos Botong Francisco. Ang mga dumarayo ay mga high school at college students mula Metro Manila, mga lalawigan at bayan. Naroon din ang mga dayuhang turista. Ang mga obra ay nakalagay sa pader ng mga bahay ng Barangay Poblacion Itaas. Sa nasabing barangay naroon ang bahay at art gallery ng National Artist. Sa bukana ng Sitio Balite, Barangay Poblacion Itaas, makikita ang busto ng dalawang National Artist na sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro.

Ayon kay Rizal board member Arling Villamayor, noong una’y ipinaguhit niya sa mga bakod na pader sa mga pintor na taga-Angono ang mga likhangsining ni Botong Francisco. Makulay at maganda ang pagka-debuho sa mga bakod na pader. Ngunit hindi nagtagal sapagkat sinira ng ulan. Dahil dito, ang mga likhang-sning ni Botong Francisco ay ginawang replica o relief sculpture. Ginawa ito ng pintor-iskultor na si Charlie Anorico Nagawa ang mga relief sculpture sa tulong nina Rizal Governor Casmiro Ynares, Jr. at Congressman Bibit Duavit.

Mula sa bukana ng Sitio Balite, Barangay Poblacion Itaas, makatawagpansin ang mga obra ni Botong Franciso. Mababanggit na halimbawa ang “Bayanihan“, “Pista ni San Clemente“, “Martyrdom ni Dr. Jose Rizal“, “History of Philiippine Medicine“ at iba pang mural ni Botong Francisco. Pagdating naman sa dulo ng Barangay Poblacion Itaas, makikita sa bakod ng bahay ni Ms. Irene Floriza, ang mga nota at titik ng awit at tugtuging “Sa Ugoy ng Duyan“ na kinatha ng National Artist na sina Maestro Lucio D. San Pedro at Levi Celerio.

Sa bakod na pader naman ng simbahan ng Angono, makikita ang replica o relief sculpture ng mural painting ni Botong Francisco na “History of Manila“ na kilala sa tawag na “The Filipino Struggles Through History“. Ang mural painting na ito ay nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila. Ang mural painting na ito ni Botong Francisco ay ipinahayag noong Abril 8,1996 ng National Museum na National Cultural Treasure. Ang replica sa pader ay ginawa naman ng pintor-iskultor na taga-Angono na si Alex Villaluz. Proyekto ito ng Barangay Poblacion Itaas at ng Liga ng mga Barangay sa Angono.at sa pakikipatulungan nina Angono Mayor Gerry Calderon at Govermor Casimiro Ynares, Jr.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese