Home » Showbiz atbp. » Melai, Jason malabo nang magkabalikan

Melai, Jason malabo nang magkabalikan

 

Ni Jimi Escala

HINDI nakatulong ang muling pagpasok sa Pinoy Big Brother house nina Melia Cantiveros at Jason Francisco para maibalik ang relasyon nila.

Kahit sa shooting ng ginagawang advocacy movie ng dalawa na may pamagat na Larong Bata under Exogain Productions ay nag-iisnaban ang dalawa at nagkakausap lang during takes. Ayon sa direktor ng pelikula na si Buboy Tan, nu’ng mga unang araw daw ng shooting ay nagkakasundo pa ang dalawa at kulang na lang magsusubuan tuwing kumakain. Pero nu’ng patapos na sila ng shooting ay saka naman nagkakagalit ang dalawa.

Nahalata raw agad ng mga kasamahan ang away dahil magkahiwalay na kung kamain ang dalawa at nag-iiwasan na. Pero ang nakakatuwa raw ay ang mga tagahanga ng Melason na todo suporta pa rin at talagang gumagawa ng paraan para magkasundo sina Jason at Melai.

“’Yung mga fans talaga naniniwalang magkakabalikan pa ang dalawa,” sey pa rin ni Direk.

Ayaw magkomento ni Direk tungkol sa nakarating sa amin na nagsigawan ang dalawa at kamuntik na nga raw ibato ni Melai ang hawak hawak nitong baso kay Jason.

“Wala akong napansing may nangyaring ganyan. Kasi halos patapos na kami ng pelikula namin, nang nagkahiwalay na ang dalawa,” sey ni Direk Buboy.

Parehong guro ang role nina Jason at Melai sa movie kasama sina Jackielou Blanco, Makisig Morales, Nash Aguas at iba pa.

Isang source naman na malapit kina Jason at Melai ang nakapagsabi sa amin na malabong magkabalikan ang dalawa. Nakarating raw kasi kay Melai na may pinagsasabihan si Jason na kaya lang daw nito niligawan ang una dahil sa kagustuhan nitong makilala ng publiko.

Incoming search terms:

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
  • http://www.facebook.com/people/Elsa-Enzo/100001881845345 Elsa Enzo

    sure ka ba sa mga sinusulat mo??? at paano mo ma sasabing na kaya lang daw nito niligawan ang una dahil sa kagustuhan nitong makilala ng publiko and i’m sure at that time na sa loob pa sila sa bahay ni kuya wala pa silang alam sa pangyayari sa labas. At bakit mo masabing malabo bakit kayo ba ang may hawak nang panahon? LET TIME HEAL EVERYTHING AND EVERYTHING WILL FOLLOW.. ONLY TIME WILL TELL US WHAT WILL HAPPEN NEXT. BAKA NAMAN SIGURO YUNG SOURCE MO AYAW SA BOY PARA SA GIRL KAYA MALABO MAGKABALIKAN. nLET US GIVE THEM SPACE TO THINK AND TO BREATH…….