Home » Balita » Panahon ng pamumuhunan sa Pilipinas

Panahon ng pamumuhunan sa Pilipinas

 

Ngayon ang panahong na dapat samantalahin ang mga oportunidad ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Ito ang binigyan-diin ni Socioeconomic Planning Secretary Cayetano W. Paderanga Jr., sa paghimok sa mga dayuhang negosyante lalo na sa mga mamumuhunang Japanese.

“Investor confidence in the Philippines has lately been improving, leading the international financial community to rate the Philippines as the third most preferred market in the world for global fund managers,“ diin Paderanga sa JETRO-PPP (Japan External Trade Organization-Public Private Partnership) seminar.

“Such confidence reflects a collective affirmation of the government’s current reform agenda,“ dugtong ni Paderanga, nagsisilbi ring Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Binanggit ng kalihim na bagamat may mga external shocks, nakakayanan ng Pilipinas ang epekto nito at nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa nailistang 3.7 porsiyento noong huling bahagi ng 2011.

“We expect such steadfast resilience, supported by initiatives in good governance, to help the country move forward in a sustained manner,“ wika ni Paderanga.

Binigyang diin niya na pinagsisikapan ng administrasyong Aquino na gawin ang lahat nang makakaya para lalong mapalago ang ekonomiya.

“To enhance private sector investments in development projects, the government has already initiated the necessary amendments to the existing Build-Operate-Transfer Law for a more transparent and level playing field,“ aniya.

Inilahad rin ni Paderanga na mayroong 16 PPP infrastructure projects ang nakalinya at bukas sa lahat na mamumuhunan. – Mac Cabreros

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese