Home » Probinsya » Maraming negosyo, bubuksan sa Mindanao

Maraming negosyo, bubuksan sa Mindanao

 

Ni Mac Cabreros

Tiyak nang papasok ang mga investment sa Mindanao.

Ito ay makaraang pirmahan ng Mindanao Development Authority (MinDA) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang kasunduan para magkatuwang na isulong ang maayos na pagnenegosyo sa rehiyon, at mabuo ang Mindanao Business Policy Agenda.

“The policy agenda shall seek to address immediate and recurring issues of the business sector in the island-region to enhance its competitiveness and ensure a more conducive environment for business,“ saad sa pahayag kaugnay ng paglagda sa memorandum of agreement sa PCCI Board Room sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Layunin din ng policy agenda na maiparating sa gobyerno ang usapin sa kakayahan ng ekonomya ng Mindanao sa larangan ng enerhiya, pagmimina ng mineral, agrikultura at pangisdaan, transportasyon at logistics, human resource at development, pagnenegosyo, turismo at kaayusan at kapayapaan.

“MinDA is firmly committed to continue working in close partnership with PCCI in pushing for business growth in Mindanao,“ sabi ni MinDA Chairman Luwalhati R. Antonino.

“We have always endeavored to move along this direction, fully cognizant of the critical role of the business sector in addressing our peace and development imperatives in Mindanao,“ ani Antonino.

Una nang inihayag ni Antonino na malawak ang oportunidad ng pagnenegosyo sa Mindanao, dahil masagana at akma ang lupain ng rehiyon para sa agrikultura.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese