Home » Probinsya » 9 lindol sa Eastern Visayas

9 lindol sa Eastern Visayas

Naramdaman ang isang malakas na pagyanig sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, Sabado ng gabi, na sinundan ng walong aftershock.

Ito ang iniulat ng United States Geological Survey (USGS), na nagsabing naitala ang pagyanig dakong 9:09 ng gabi.

Ang pagyanig ay may lalim na 60.2 kilometro.

Ang lindol ay natukoy sa layong 102 kilometro sa hilaga ng Guiuan, Eastern Samar; 110 kilometro hilaga-silangan ng Tacloban, Leyte; 120 kilometro silangan ng Calbayog; at 595 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Metro Manila.

Nagresulta ito sa 60.2 kilometrong lalim, ayon sa USGS. Walong aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Eastern Samar matapos ang naturang malakas na paglindol.

Ang aftershocks ay naitala dakong 9:19 ng gabi (magnitude 5.0); 9:25 ng gabi (magnitude 4.2); 9:46 ng gabi (magnitude 4.3); 10:48 ng gabi (magnitude 3.7);1:28 ng madalingaraw (magnitude 3.6); 3:17 ng madaling-araw (magnitude 3.3); 3:29 ng madaling-araw (5.0 magnitude) at 3:42 ng madaling-araw (magnitude 1.6).

Ngayong Pebrero lamang ay 15 beses na niyanig ng lindol ang Eastern Samar. – Rommel P. Tabbad

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese