Home » Showbiz atbp. » Karylle, ‘di mailabas ang mga plano, pagbabagong gagawin sa ‘Showtime’

Karylle, ‘di mailabas ang mga plano, pagbabagong gagawin sa ‘Showtime’

SA pagbabalik ng Showtime bukas, makakasama na bilang hosts nina Karylle, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Vice Ganda sina Jhong Hilario, Ryan Bang at Coleen Garcia bilang hosts.

Dating mga hurado ang mga huling nabanggit pero laging mataas ang mga botong nakukuha mula sa madlang pipol.

Kaya ang tanong namin kay Karylle nang makatsikahan namin sa launching ng Jeunesse feminine napkin, kaya na ba nilang tapatan ang Eat Bulaga?

“We’re not gonna think as if we’re competing with anybody. We just wanna make people happy and make them more happy. `Yun `yung main thing na pinanghahawakan ko na gusto naming gawin,“ sagot ng TV host/singer.

Ito raw ang napag-usapan sa meeting nilang mga host kasama ang staff ng Showtime.

“`Nilabas namin lahat ng fears kasi ganu’n na kaclose `yung grupo, kung anong gusto naming sabihin, no judgment, no anything.

“Of course it’s good to be competitive, pero kung `yun at `yun lang tinitingnan mo, medyo namamali `yung direksyon,“ paliwanag pa ni Karylle.

Hindi pa maishare ni Karylle kung anu-ano ang bagong segments dahil hindi pa siya allowed magsalita. “Abangan n’yo na lang,“ pakli niya.

Samantala, para ma-prove na maganda ang bagong feminine napkin na iniendorso ni Karylle ay siya pa mismo ang nagkukuwento na nagde-demo siya para makita ang malaking pagkakaiba nito sa ibang napkins. Medyo kapos kami sa espasyo ngayon, kaya bukas na lang namin isusulat ang tungkol sa lovelife ng dalaga at ni Yael Yuson ng Spongecola. –Reggee Bonoan

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »