Home » Showbiz atbp. » Tips ni Atty. Persida Acosta para tumagal ang married life

Tips ni Atty. Persida Acosta para tumagal ang married life

 

(IKA-2 SA SERYE)

NAGUGULAT si People’s Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta kapag nasa mall siya at naglalapitan ang kanyang mga tagahanga.

“Naku, nagpapa-picture sila, may sumisigaw pa, tumatalun-talon pa. Ganu’n pala ‘yun, ano? Nasisiyahan naman ako kasi napapasaya ko sila. At least kahit na maraming problema ang mga Pilipino, may mga bagay na nagbibigay ng saya, lugod at tuwa,” kuwento ni Atty. Acost nang aming makapanayam.

“Wala na nga privacy, ayoko na nga magdaster, eh. Kasi magpapa-picture sila. Dati naman kasi lumalabas ako nakadaster lang ako, nakasabog ang buhok, dati naka-Johnson Baby Powder lang ako, ngayon kailangan may konti-konting cologne na,” natawang kuwento ni PAO Chief.

Nae-enjoy ba naman niya ang kasikatan niya ngayon?

“Nai-enjoy,” prangka niyang sagot, “pero parang malungkot din ako kasi kulang ang oras ko sa dalawang anak ko at sa asawa ko. Kulang na kulang na. Pero sabi ko, may mas malalaking responsibilidad pang darating sa buhay ko,” say ni Chief Persida.

Kapag nagkukulang daw ng panahon ang misis, may posibilidad na magkaroon ng number two ang mister.

“Good boy naman ‘yun, tsinitsek ko lagi ‘yun, tine-text ko, ‘tapos wina-Wap (trace) ko ‘yung cellphone,” sabing natawa. “Saka hindi ako insecure, kasi kung pinalitan niya ako, siya’ng nawalan, hindi ako.”

Ano ba ang mawawala kay Atty. Ben Acosta?

“Eh, di wala na siyang asawang malambing, mapagmahal sa kanya. Kasi ang mga babae minsan kaya nasasaktan, hindi nila matanggap ang naturalesa ng mga lalaki.

“Ang mga lalaki by nature, polygamus ‘yan, ang importante, marunong kang magpatawad. Halimbawa, medyo natukso, e, ‘di patawarin mo na lang, huwag mo nang bungangaan. Kasi ‘pag ginawa mo ‘yan, lalong aalis ‘yan,” words of wisdom ni Chief Acosta.

Dapat daw matutong gumamit ng psychology ang mga babae sa kanilang asawa. At ang resulta kung matututo sila, kahit ano pa ang mangyari, kahit maligaw ito sa ibang pugad, pagdating ng panahon ay uuwi ito. At legal na asawa ang may karapatan sa lahat.

Ang tanong ni Bossing DMB, na-foresee ba ni Atty. Persida Acosta na magiging celebrity siya?

“Akala ko, pang-talk-show lang ako, eh. Hindi ko naman alam na may ganito, ‘tapos hayan may tsismis-tsismis na pelikula na raw ang susunod? Naku, payagan kaya ako ni Presidente Noynoy (Aquino) n’yan? Baka hindi,” napangiting sabi ng TV host/public servant.

Kung ganitong bisi-bisihan as PAO chief at ganoon din sa People’s Atorni ang matapang at mapagmahal na maybahay ni Atty. Ben Acosta ng Face-to-Face, hindi ba naisasakripisyo ang intimate moments nila?

“Siyempre, nagdi-date din kami ni Attorney,” napangiting sagot ni Atty. Persida.

Anong klaseng date ito?

“Naku, hindi na dapat ikuwento ‘yan, ‘no? Private na ‘yan. Siyempre, meron nu’n, kasi siya may-ari ng katawan ko, eh. Ako naman ang may-ari sa kanya, ganu’n lang ‘yun,” napangiting sabi sa amin.

Papunta ba ang career niya sa Senado?

“Naku, kayo (press) ang tatanungin ko, mimitingin ko kayong lahat kung ano. Kung Senado, may sarili na kayong opisina do’n ano? May kanya-kanya na kayong laptop doon? Kayo ang press warriors,” pabirong sagot ni Chief Acosta.

(HULING BAHAGI BUKAS)

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • Ms Vanessa Tolentino

    just wanna know kung y website si atty. costa n kung saan pwede mgtanong ng ilan mga concerns para mkpg bgay ng legal action…

  • http://profile.yahoo.com/GZCY7NYFM6IK4RPP2QWRTWVCDQ Rose ann Reyes

    hello po atty Acosta.. Good day po sa inyo.. askko lang po sana kung san ako pwede magsend email sa inyo para po sa mga questions ko regarding laws.. hehe..nthanks po.. God Bless and more power sa career nyo po.. kahit sobrang sikat na kayo.. hehe

  • http://profile.yahoo.com/GZCY7NYFM6IK4RPP2QWRTWVCDQ Rose ann Reyes

    Sana po malaman ko kung san po pwede mag eail.. tnx po ng madame.. sann052919@yahoo.com po yahoomail ko… thanks..;>

  • Boomcl

    good evening po atty.acosta nais k po sanang mgtanong kng meron po kau email add at pde po aq mka email sau about some legal matters.Appreciate much if meron po.thank u so much po.God bless u po

  • Helna Clavecillas

    Good afternoon po, Atty. Pwede ko po ba malaman email adress mo…gusto ko po sana humingi ng tulong tungkol sa asawa kong addict. Wla po akong ibang malapitan dahil marunong po sya sa batas. Maraming salamat po.

  • Rosalie G. Jaballa

    good afternoon po atty..gusto ko lang sanang malaman ang email add nyo kung pwede meron po kasi akong gustong itanong tungkol sa asawa ko na may ibang babae..kung ano ang aking karapatan…….

  • Jungielabrada

    san po mtagpuan ang office ni atty.persida acostan

  • juvy millena

    good day po mam,
    meron sana kme gustong isangguni sa inyo, tungkul po ito sa pangangaliwa ng tatay q gusto po ng mama q na maipakulong siya, kaya gusto po sana nming huminge ng tulong sa inyo. Kami po kasi ay walang sapat na kakayahan para mgawa i2! sana po ay matulungan nio po kame. Maraming Salamat
    … saan po b ang inyong Office address?

  • oscar

    Good day po mam,meron po sana kme isangguni sa inyo,tungkol po ito sa sinangla sa aming 2 lote sa halagang 50k. 13 years na pong nakasangla, tatay ang nagsangla, ngayon tutubusin daw ng mga anak, sa halagang 50k lang din po, kasi pinapa-upahan daw po namin, tutoo po yon, pinarent po namin ng 5oo hundred a month pero ang kasulatan namin tubuan ang pera ng 5% a month.ano ang gagawin namin kasi yong 50k lang daw po ang ibabalik nila.

  • judie manalo

    good day po mam,pwede po ba na paghatian nming mag asawa ang mga anak nmin

  • axle rose

    Hello po Ma’am, ano kaya ang ikakaso sa akin ng aking asawa kasi inuwi ko lahat ang aming mga gamit sa probinsya?

  • Doctor J
  • Doctor J

    Public Attorney’s Office Central Office

    Office Address: 4th & 5th Floors DOJ Agencies Building
    NIA Rd. corner East Ave., Diliman, Quezon City

    Hotline: (02) 929-9436 Local 106/107 (Office Hours)

    Local 159 (After Office Hours)

    Email. pao_executive@yahoo.com