Home » Pagtanaw at Pananaw » IT’S MORE FUN IN PH

IT’S MORE FUN IN PH

Palabiro talaga itong si Atty. Dong Badminton, at may kapilyuhan. Nagtext siya sa tungkol sa slogan ng Dept. of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines.” Sabi niya: “It’s more fun talaga, as in KidnaFUN, HoldaFUN, ReyFUN…” Dagdag pa ng pilyong si Dong: “Asiwa ako sa bagong DOT slogan. WOW naman talaga ang Pinas! Tourist spots WOW! Sumptous food WOW! Kapistahan WOW! Mga bata at matanda, may ipin o wala WOW!” Ano ang komento mo Sec. Mon Jimenez tungkol dito?

May nagtext at nag-email sa akin at nagtataka kung bakit laging pagalit kung magsalita at magtanong si Sen. Miriam Defensor Santiago sa ginaganap na impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. Tugon ko: “Ikaw na ang maging Tigre ng Senado”. Noong Huwebes, nagalit na naman siya kaya ang blood pressure ay tumaas at naging 180 over 90!

Nabubulatlat na lahat ang ari-arian, tax income returns, SALN ni CJ Corona at ng kanyang asawa. Maging ang kanilang mga anak ay nadadamay sa dramang nagaganap sa Senado. Binubungkal ng prosecutors ang diumano ay mga bahay, condo o mansion na kanilang pag-aari. Sa isipan ng publiko ay may nabubuo nang opinyon kahit mga alegasyon lang ito, na talagang nagtamo ng ill-gotten weatlh si Corona matapos siyang hirangin Supreme Court ni GMA! Only in the Philippines!

Yumao na si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo sa London sanhi ng “cirrhosis of the liver”. Paborito siyang kapatid ni ex-FG Mike Arroyo na makalawa niyang isinalba sa kontrobersiya na sangkot ang multi-milyong pisong usapin. Una, sa kasong Jose Pidal, pangalawa, sa diumano ay pagbebenta ni Mike Arroyo ng second-hand helicopter sa PNP na pinalabas na brand new o bago!

Nahuli ng US Immigration ang ginang ni Leon Guerrero, oops Sen. Lito Lapid, dahil sa pagdadala ng mahigit sa $50,000 nang magtungo sa Las Vegas kamakailan. Ipinagbabawal sa US ang magdala ng gayong halaga dahil ang puwede lang ipasok doon ng isang biyahero ay $10,000 lang. Sabi ni Cabalen Lito, mayaman ang kanyang asawa, may sariling business, pumunta sa US para magpagamot. Well, ang batas sa US ay ipinatutupad. Mahigpit doon at dapat na sundin ng sino man, hindi gaya sa Pinas na ang batas ay kayraming BUTAS. Kung ganito ang situwasyon, talaga nga bang “It’s More Fun in the Philippines”? Sagot kayo Atty. Dong at Sec Mon Jimenez!

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese