Home » Daigdig » Industriya ng pangingisda, pinapatay ng polusyon, labis-labis na panghuhuli

Industriya ng pangingisda, pinapatay ng polusyon, labis-labis na panghuhuli

Ang pandaigdigang fishing industry o industriya ng pangingisda ay maaaring magbenepisyo sa $50 billion paglago taun-taon kapag binigyan ng oras ang stocks na makabawi, sinabi ng UN noong Miyerkules.

Mahigit 32 porsiyento na ang isda ng mundo ang naubos sa ilang taong overfishing at mahinang coastal management, ayon sa isang UN Environment Programme report na inilabas sa Manila.

“The potential economic gain from reducing fishing capacity to an optimal and restoring fish stocks is in the order of $50 billion per annum,” saad sa summary ng UN report, hindi nagbigay ng detalye kung paano nakuha ang bilang na ito.

Sinabi sa report na ang overfishing o labis-labis na panghuhuli ng isda, polusyon mula sa land-based farming o mga palaisdaan at kaakibat na industriya, at pagkasira ng habitat o tirahan ng isda, kabilang ang coral reef at mangrove, ay nagkakaroon ng epekto sa dami ng isda.

Ito ay direktang nakakaapekto sa 540 milyong katao sa buong mundo na nakaasa sa fishing industry, sinabi ng mga eksperto sa paglunsad ng “Green Economy in a Blue World”.

Ang pagbawas sa polusyon ay makatutulong sa dami ng isda at mga mangingisda na makabawi, sinabi ni Amina Mohammed, deputy executive director ng UN programme.

“Many ocean industries and businesses stand to benefit directly from cleaner, more ecologically robust marine ecosystems,” aniya.

Habang binabawasan ng overfishing ang dami ng isda, ang polusyon mula sa labis na paggamit ng fertilizer sa pagsasaka ay isa ring malaking problema, aniya.

Ang fertilizer o abono ay napupunta sa dagat, na nagreresulta sa mabilis na paglago ng algae o lumot na sumisipsip sa lahat ng oxygen sa tubig at nagiging dahilan ng “drowning” o pagkalunod ng isda.

Sinabi ng mga eksperto na mayroong mahigit 500 oxygen-deprived “dead zones” sa yamang tubig sa buong mundo na nalikha sa ganitong paraan.

Sinabi ng Marine specialist na si Raphael Lotilla na halos 49 porsiyento ng lahat ng fertilizer na ginagamit sa mga pagsasaka sa Pilipinas ay napupunta sa dagat.

“Let’s work with farmers to figure out what is the right amount of fertilizer so everyone wins,” ani Mohammed.

Nanawagan din ito ng mas maraming hakbang para mapigilan ang pagkawasak ng coral reef, mangrove, seagrass beds at iba pang marine habitats, gayundin ang mga paraan para mapigilan ang pagkalat ng “invasive species” na na nakakapit sa ilalim ng barko. – Agence France Presse

Incoming search terms:

comments


















Translate »