Home » Pananaw » KAPALIGIRAN ILIGTAS

KAPALIGIRAN ILIGTAS

 

Tinaguriang “Amazon of the Seas, ang Coral Triangle ay isang delikadong ecosystem na sumasaklaw sa ikaapat na bahagi ng mga isla sa buong daigdig at lawak ng karagatan ng anim na bansa ­ ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, ang Solomon Islands, at Timor-Leste. Tahanan ng mahigit 27,000 square kilometers ng coral reef, ang lugar ay pandaigdigang sentro ng marine diversity.

Sa puso ng Coral Triangle ay ang Pilipinas, ang pangalawang pinakamalaking arkipelago sa mundo at ang nag-iisang bansang nasa loob mismo ng triangle. Hindi naman nakapagtataka na sa evolution ng alahat ng marine species sa planeta, ang Pilipinas ang lumilitaw na may pinaka-diverse marine life, taglay ang mahigit 500 species ng reef-building corals na nakakalat sa mahigit 36,289 kilometrong dalampasigan.

Sa loob ng mahigit 20 taon, nagbabala na ng mga siyentista at pilantropo para sa 5.7 million square kilometer-Coral Triangle, kung saan nangagtrabaho at nangabubuhay ang mahigit 120 milyong katao. Ang mga nakasisirang pamamaraan tulad ng polusyong kemikal, acidification at mapaminsalang pangingisda ang dumudurog sa coral reefs. Sa Pilipinas lamang, ang malusog na coral reefs ay nabawasan na sa halos nakaaalarmang 30%.

Ang Department of Environment and Natural Resources, kasama ang United Nations Environment Programme, ay nag-organisa ng unang Global Conference on LandOcean Connections, na idinaos mula Enero 23 hanggang ngayon (Enero 27) na dinaluhan ng 200 foreign delegate, 40 environment minister, at 300 government at nongovernment delegate. Marahil ang pinakamahalagang development sa naturang pagtitipon ay ang pagpapatupad ng Manila Declaration bilang kontribusyon sa Rio+20, ang high-level UN Conference on Sustainable Development na idaraos sa Hunyo 2012 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Sa mga salita ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon J. P. Paje, ang Manila Declaration ay ang “perfect symbol“ ng pagsuporta ng bansa sa Global Program of Action para sa Protection of Marine Environment from Land based Actitivies, na maituturing na multilateral initiative upang mapabuti ang serbisyo sa kalusugan at mapababa ang kahirapan habang inililigtas ang kritikal nang ecosystems.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese