Home » Punto for Punto » KABABALAGHAN

KABABALAGHAN

KUNG anu-ano nang kababalaghan ang nangyayari sa ating bansa. Dati ay nagugulat na tayo kapag nabalitaan nating umulan ng yelo. Mabuti na lamang at sinlalaki lamang ng butil ng mais at hindi bloke-bloke.

At noong pumutok ang bulkang Pinatubo ay maghapon namang umulan ng alikabok. Nakagugulat na mga pangyayari ito. Pero kamakailan lamang ay may isang pag-ulan na naman ang nakapagdulot ng pagtataka sa kababayan kong Pinoy ang pagulan ng ISDA sa Agusan del Sur.

Sa Cagayan de Oro at iligan City noong nakaraang buwan ay bumaha ng troso kaya halos matodas ang ilang barangay. At masuwerte na nga lamang din ang Agusan sapagkat pag-ulan lamang ng isda ang kanilang naranasan. Kung ang iniulan sa lugar nila ay troso, baka nabura na sila sa mapa ng mundo.

Hindi maipaliwanag maging ng Office of Civil Defense (OCD) ang nasabing phenomenon. At hindi rin nila masabing kung anong klase ng isda ang iniulan. Kung balyena, baka maraming nagkab ukol doon. Hindi rin naman siguro sardinas dahil wala naman sa lata. Maliliit na isda lamang kaya ang mga ito ay pinulot ng mga nagsisipanirahan sa lugar na inulan. Kaya siguradong kinabukasan, ang ulam ng mga mamamayan doon ay paksiw o kaya ay sinigang na isda. Talagang hindi na yata matatapos ang paglitaw ng kababalaghan sa minamahal nating Pilipinas.

Sa ating bansa ay may nagaganap din sa kasalukuyan, na kakatwa at balintunaan. Ito ay ang ginaganap na impeachment hearing sa Senado. Mantakin mo, ang dating lumilitis at humahatol sa mga kaso ay siya ngayong nililitis at hinahatulan.

Ang tinutukoy namin ay si Chief Justice Renato Corona. At interesante ang “telenovela“ na ito. Dahil ang mga bida rito ay hindi mga tunay na artista. Ang mga tunay na artista rito ay lumilitaw na mga extra. Paanong magiging mga bida rito sina Sen. Bong Revilla at Lito Lapid? Baka kahit na maikling dialogue lamang ay hindi pa makabigkas ang mga ito, kaya seguradong tutunganga lamang ang mga ito. Pero ang malungkot, kasama sila sa hahatol.

Incoming search terms:

comments
  • Jekjekeroy

    tama marami na talagang kababalaghan na nanangyayari dito sa ating bansa wla tyung ibang magawa kundi ang madasal nlang sa panginoon….

  • jenifer lopez

    landi

  • earl sean e. ,eviste

    dalawang kalbo nag sabunutan
    by:earl sean e. leviste

  • earl sean e. ,eviste

    dalawang puwet nag kis kisa

  • Ac Abad

    dalawang pilay nag kick boxing :))
    dalawang kalbo nag sabunutan :))
    dalawang bulag nagka titigan :))
    dalawang pipi nag murahan :))
    dalawang supot nag palakihan :))



















Translate »