Home » Showbiz atbp. » Bamboo, mainstay na ng ‘ASAP’

Bamboo, mainstay na ng ‘ASAP’

Ang sikat na rock icon na si Bamboo Mañalac ang pinakabagong Kapamilya ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012.

Sa isang engrandeng allstar welcome na inihanda ng ASAP 2012, nakasama ni Bamboo sa concert stage ang ASAP mainstays na sina Gary Valenciano, Sarah Geronimo, at Yeng Constantino.

Kasabay ng Bagong Taon at ng kanyang bagong album, positibo si Bamboo sa panibago niyang hakbang sa kanyang career.

“Marami pa akong gusto matutunan bilang isang artist. Sa pagsali ko sa ASAP, inaasahan kong marami akong makikitang magandang pagbabago hindi lang sa aking musika, kundi maging sa sarili ko,“ sabi niya.

Tiyak na hindi palalampasin ng kanyang mga tagahanga ang bawat astig na concert performances ni Bamboo sa ASAP tuwing Linggo.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese