Home » Editoryal » EDUKASYON PARA SA MGA KATUTUBO

EDUKASYON PARA SA MGA KATUTUBO

Ang karapatan ng mga katutubo sa edukasyon ay nakatadhana sa Konstitusyon ng Pilipinas, sa Republic Act 8371, ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), ng 1997, at sa 2007 United Nations (UN) Declaration on the Rights of Indigenous Peoples. Atas ng Konstitusyon sa Estado na kilalanin, irespeto, at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubo upang mapreserba at mapaunlad ang kanilang mga kultura, tradisyon, at mga institusyon. Ginagarantiya ng IPRA ang mga karapatan ng mga katutubo sa kanilang ancestral domain, self-governance, at empowerment, social justice at karapatang pantao, edukasyon at integridad ng kultura. Saklaw ng nasabing UN Declaration ang karapatan ng mga katutubo sa edukasyon.

Kaugnay ng pagsisikap ng bansa upang matamo ang Education for All by 2015 at ang Millennium Development Goals, at upang isulong ang Basic Education Sector Reform Agenda, ipinatutupad ng gobyerno ang National Indigenous People Education Police Framework. Sa edukasyon, nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga katutubo at tinutulungan sila nito na igiit ang kanilang karapatan at pansariling determinasyon. Ipinagkakaloob sa kanila nito ang kasangkapan upang matuklasan ang kanilang pagkakakilanlan, itaguyod ang tradisyunal na karunungan, husay, at pamanang pagkultura, upang maihalo sila sa lipunan.

Inilunsad ng Department of Education ang isang angkop sa kultura na alternative leanring system curriculum para sa mga katutubo sa pakikipagtulungan ng National Commission for Indigenous Peoples. Ang curriculum ay lapat sa kahusayan ng isang pormal na paaralan ngunit nagkakaiba sa laman at pamamaraan ng pagtuturo.

Mayroong mahigit 14 milyong katutubo sa bansa, na ang karamihan ay nasa Mindanao. Patuloy silang namumuhay bilang organisadong mga komunidad, napapanatili ang kanilang mga kaugalian at tradisyon, at pinaninindigan ang kanilang mga karapatan. Maraming tribo ang matatagpuan sa buong Pilipinas, kabilang ang mga Apayao, Isneg, at Tinggian sa Cordillera; Aeta, Gaddang, at Ibanag sa Cagayan Valle; ang mga Pinatubo at Baluga sa Central Luzon; ang mga Hanunoo at Iraya sa Mindoro; ang Bata, Ke-ney, at Tagbanua naman sa Palawan; Ang mga Ati at Sulod sa Kabisayaan; at ang mga Ata, Bagobo, Badjao, Bilaan sa Mindanao.

Ang probisyon ng angkop na edukasyon para sa mga katutubo ay isinusulong nang tuluy-tuloy. Ang mga silid-aralay ay nananatiling mabuting development arena kung saan mapauunlad ng mga kapatid nating katutubo ang kanilang mga sarili at gamitin ang kanilang mga potensiyal upang mapabuti ang kanilang mga pamilya at mga komunidad. MABUHAY!

Incoming search terms:

comments


















Translate »