Home » Editoryal » REPORMA SA EDUKASYON NG PILIPINAS

REPORMA SA EDUKASYON NG PILIPINAS

BINABAGO ng panahon ang Sektor ng Edukasyon sa Pilipinas. Isang baong curriculum para sa school year 2012-2013 ang papasinayaan, na inaasahang pangungunahan ang malalaking reporma sa mga programa sa batayang edukasyon sa bansa. Ang bagong curricula para sa Grade 1 at sa mga estudyante sa first year ay sisimulan sa Hunyo 2012 bilang bahagi ng Enhanced Kindergarten to the 12th Grade (K-10-12) Basic Education Program, ang pangunahing programa ng Administrasyong Aquino upang maitatag ang mga reporma sa sistema ng edukasyon na maghahatid ng mas may kaugnayang edukasyon sa mga estudyanteng Pilipino.

Ang phased implementation o bahagiang pagpapatupad ng programang K-to-12 ay nagsimula sa school year 2011-2012 sa pag-alok ng Universal Kindergarten Program, na inoobliga ang lahat ng mga bata na tapusin ang kindergarten bago matanggap sa Grade 1. Ang full implementation o buong pagpapatupad ng programa ­ na may karagdagang dalawang taon ng senior high school ­ ay inasahan sa school year 2016-2017.

Sa ilalim ng programang K-to-12, ang kasalukuyang 10-taong basic education program na anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school ay palalawigin ng 12 taon ­ anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12). Ang pagbabago sa 12 taon sa basic education curriculum ay inaasahang magpapaangat sa kagalingan ng estudyante sa English, Math, at Science at maiihanda sila sa kolehiyo. Ang mga estudyante ay maaaring mamili ng espesyalisasyon ­ mga kurso sa sining, palakasan, agrikultura, technical-vocational ­ sa karagdagang dalawang taon.

Isang tampok ng bagong curriculum ay ang pagpapasok ng mother tongue-based teaching, kung saan ang mga estudyante sa Grade 1 hanggang 3 ay tuturuan sa kanilang katutubong wika. Ang Department of Education ay nagdedebelop ang mga materyales sa pag-aaral sa mga pangunahing lengguwahe sa mga rehiyon sa bansa upang lalong magiging interesante sa mga estudyante.

Ang malaking bahagi ng tagumpay ng bagong curriculum na K-to-12 ay nakasalalay sa malaking suportang ibibigay dito ng iba’t ibang sektor ng edukasyon. Hinihikayat ang mga pribadong institusyon, akademya, mambabatas, mga magulang, at estudyante na suportahan ang programa. Mabuhay!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000418491040 Henry Entero

    aabutin ba ng k12 yung mga mag po 4th year dis year?

    • chuchu

      hndi po makaka graduate po sila

  • francesca rhian garcia

    magiging advance ba ang kaalam ng mga batang aabutan ng k12



















Translate »