Home » Probinsya » Maraming walang trabaho sa Calabarzon

Maraming walang trabaho sa Calabarzon

Ni Lyka Manalo

BATANGAS – Siyam na porsiyento ng mga manggagawa sa Calabarzon (Region 4A) ang walang trabaho, lubhang mataas kumpara sa 6.4 porsiyentong unemployment rate sa buong bansa.

Ayon sa pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng National Statistics Office (NSO) noong Oktubre 2011, mataas ang bilang ng mga walang trabaho na nasa edad 15 pataas.

Nasa 7.4 milyon o 19 porsiyento naman ang mga underemployed, o may trabaho pero naghahangad ng dagdag na pagkakakitaan.

Karamihan sa underemployed ay nagmula sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Regional Director Rosalinda Bautista, muling magsa-survey ang NSO ngayong Enero. Ang survey ay isinasagawa bawat tatlong buwan.

Magsasagawa rin ng Consumer Expectations Survey (CES) sa Enero 23 hanggang sa Pebrero upang alamin ang pananaw ng mga consumer sa presyo ng bilihin, kalagayang pinanisyal, at sitwasyong pang-ekonomiya.

Ginagamit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang resulta ng survey para malaman ang pananaw ng mga consumer sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa.

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »