Home » Probinsya » Pulitiko, sangkot sa illegal logging

Pulitiko, sangkot sa illegal logging

Nasabat ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) ang daan-daang tabla sa Aborlan, Palawan.

Ikinakarga ng mga lalaki sa isang tricycle ang nasabing mga kapuputol lang na tabla nang maaktuhan sila ng mga awtoridad.

Isa lamang sa mga suspek, na nakilalang si Ferdinand Soberano, ang naaresto matapos na makatakas ang mga kasamahan nito.

Batay sa imbestigasyon, kinumpirma ng DENR at ng pulisya na isang mataas na opisyal sa Aborlan ang sangkot at nagsisilbing protector ng illegal logging operations sa lalawigan. – Rommel Tabbad

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »