Home » Showbiz atbp. » ‘Praybeyt Benjamin’ nasa video na

‘Praybeyt Benjamin’ nasa video na

It’s official! Praybeyt Benjamin ang unang pelikulang Pinoy na kumita ng mahigit tatlong daang milyong piso sa takilya. At ngayong, mabibili na ito sa original video. Mula sa direksyon ni Wenn Deramas at pinagbibidahan ni Vice Ganda, ang highest-grossing Filipino film of all time ay magandang isali sa movie collections.

Si Benjie (Vice Ganda) ay mula sa angkan ng magigiting na sundalo. Bago pa man dumating ang kapanahunan ni Lapu-Lapu hanggang sa kasalukuyan, ipinagtatanggol na ng kanilang lahi ang bansa laban sa mga mananakop. Malakas din ang loob ni Benjie, pero dahil siya ay may pusong babae, hindi siya tanggap ng kanyang lolo (Eddie Garcia) na heneral sa military. Ngunit nang makidnap ng mga terorista ang heneral, kasama ng iba pang opisyal, napailalim sa civil war ang buong bansa. Hindi man lubos na lalaki, nagpasya ni Benjie na sumali sa military training. Ito na ang simula ng kanyang nakakalokang pakikipagsapalaran.

Kaya kasama ng kanyang nakakaaliw na mga katropa, makikipagsagupaan si Benjie sa mga terorista gamit ang kanyang kakaibang fighting techniques. Hindi niya namamalayan, naipagpapatuloy na pala niya ang kabayanihan ng kanilang angkan.

Ang Praybeyt Benjamin ay produced ng Star Cinema at Viva Films. Kasama rin sina Derek Ramsay, Jimmy Santos, Kean Cipriano, Dennis Padilla, Carlos Agassi, DJ Durano, Vandolph, Nikki Valdez, at marami pang iba. Mabibili na sa VCD sa halagang P299 at DVD sa halagang P699 sa mga paboritong video stores nationwide.

Incoming search terms:

  • Princessauriea

    Nakatulong to sa project ko…..

  • nanay mo

    Wala kwenta