Home » Balita » Panukalang batas laban sa pananakot sa eskuwela, ipinasa ng Kamara

Panukalang batas laban sa pananakot sa eskuwela, ipinasa ng Kamara

 

Manila, Philippines – Ipinasa ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang nag-oobliga sa lahat ng elementary at secondary school na magpatibay ng mga polisiya na tutulong sa pagpigil sa “bullying” o pananakot ng isang estudyante laban sa kanyang kaklase.

Nilalayon ng House Bill 5496 (“Anti-Bullying Act of 2012″) na ipaalam sa mga magulang o guardian ang hinggil sa epekto ng “bullying” o pananakot ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral at kung papaano ito mapipigilan.

Batay sa pag-aaral, matindi ang epekto ng bullying sa isang mag-aaral dahil nakapagpapapurol ito ng isip at determinasyon ng isang estudyante na tinatamad mag-aaral dahil sa takot sa kaklase. May mga ulat pa sa ibang bansa na may mga mag-aaral na nagpakamatay dahil sa pananakot ng ibang tao, kasama o kaklase.

Ang ipinasang panukala ay inendorso sa plenaryo ng House Committee on Basic Education and Culture ni chairman Rep. Salvador Escudero III (1st District, Sorsogon).

“The measure shall require all elementary and secondary schools to adopt policies that will address the existence of bullying in the respective institutions.”

“The anti-bullying policies should be included in the school’s student and employee handbook provided to students and parent-guardians,” ayon kay Rep. Mary Mitzi Cajayon (2nd District, Caloocan City), isa sa may-akda ng panukala.

Sinabi ni Cajayon na ang mga detalye ng mga polisiya ng anti-bullying y ipapaskil sa website at bulletin ng mga paaralam.

Katuwang din sa pagbabalangkas ng batas sina Reps. Christopher Co (Party List, AKO BICOL), Rodel Batocabe (Party List, AKO BICOL), Alfredo Garbin, Jr. (Party List, AKO BICOL) at Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora ). – Bert de Guzman

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese